Explore LASAM, Cagayan

Explore LASAM, Cagayan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Explore LASAM, Cagayan, Lasam.

All about the beautiful places, adventures and events in Lasam with the vision to inspire, inform and advocate things that matter most in connection with the appreciation, protection and sustenance of the beauty of our environment.

THIS IS BLOG NOT VLOG:Vlogs can be more engaging, but blogs can be more informative.The V in vlogging means video and th...
21/08/2025

THIS IS BLOG NOT VLOG:

Vlogs can be more engaging, but blogs can be more informative.

The V in vlogging means video and the B in blogging could mean "bulletin", from Italian word which means "document" or "announcement" .

Now, choose yourself in this social media world. Are you more of a blogger, a vlogger, a troll, a keyboard warrior or a dummy account?

You can answer for yourselves.

LIBSONG CAVE, THE HIDDEN DEPTHS OF SICALAO

The adventures, travel stories and life lessons of the Lasameño explorer Sonnyboy Pacursa as he ventured into the wild and into the great outdoors.

SCAMMER ALERT! BABALA! HUWAG BUMILI! SCAM ITO!Sa unang tingin, mapapaniwala ka sa post na ito na nagsasabing ang G-SHOCK...
20/08/2025

SCAMMER ALERT!
BABALA! HUWAG BUMILI! SCAM ITO!

Sa unang tingin, mapapaniwala ka sa post na ito na nagsasabing ang G-SHOCK GTS 8600 Watch na nagkakahalaga ng 5,990 pesos ay mabibili mo nalang sa halagang 1,799 pesos. Ito ay ayon sa PEKENG page na may pangalang "SM City North EDSA. Ang nasabing Page ay BOGUS at IMPOSTOR na mayroon lamang 3 followers sa mga oras na ito.

Ang orihinal na SM North EDSA ay mayroong isang milyong followers at ayon sa kanila ay walang abiso ang CASIO Philippines tungkol sa pagbaba ng presyo ng G-Shock Watches sa kanilang mga tindahan.

Ang website na https://www.casioph-official.tech/ph-supersale-70-gsock-gts-8600?utm_source=s2&utm_medium=s2&utm_campaign=big-sale-gts8600&fbclid=IwQ0xDSwMSZ_djbGNrAxJn8WV4dG4DYWVtAjExAAEeTssLZfCG19gcPkNJdHFZDwSuXD6yXQv7iqLwPNybpgPFRfAu95tajZLRw2U_aem_t99cFTUsGV6HV7st69LwWw na nakasaad sa post ng pekeng SM City North EDSA ay pawang scam— bagama't mukhang totoo ito sa unang tingin dahil gumamit pa sila ng mga reviews upang makapanlinlang. Ang tanging nag-iisa at tunay na website ng Casio ay www.casio.com.

Sng mga ibinebentang G-Shock Watches sa post na ito ay napag-alamang peke at galing ng Divisoria na mabibili mo lamang sa halagang 150 pesos.

Narito ang original post ng scammer:
https://www.facebook.com/share/p/1777Mdo9tH/

MAY NALUNOD SA SICALAO (Zinundungan River) PERO... Nakakalungkot ang aksidenteng pagkalunod ng isang bata sa Zinundungan...
20/08/2025

MAY NALUNOD SA SICALAO (Zinundungan River) PERO...

Nakakalungkot ang aksidenteng pagkalunod ng isang bata sa Zinundungan River malapit sa Tulong (Intik) Bridge Sicalao, ngunit nakakalungkot din ang mga bash na ating nababasa tungkol sa kung paanong ginawa ang CPR o cardiopulmonary resuscitation sa biktima.

Sa halip na mang-bash o punain natin ang paraan ng mga rescuers sa pagliligtas ng buhay ay ipagdasal nalang po natin sila na magampanan nila ang kanilang tungkulin. Malaking "pressure" at "stress" po sa kanila ang magligtas ng buhay kaya huwag na po tayong dumagdag na maging pabigat sa kanilang morale.

Panalangin sa bata at sa kanyang pamilya. Ingat po tayong lahat sa pamamasyal at huwag kalimutang manalangin sa bawat paglarga!

Photo for attention:
Sicalao Abot, more than 25 years ago—nasa highschool pa lamang po tayo noon. 😁
Huwag tularan, nag-cutting class para mag-explore. 🤭

HAPPY WORLD PHOTOGRAPHY DAY!📌 Tuesday, August 19, 2025World Photography Day is an annual, worldwide celebration of the a...
19/08/2025

HAPPY WORLD PHOTOGRAPHY DAY!
📌 Tuesday, August 19, 2025

World Photography Day is an annual, worldwide celebration of the art, craft, science and history of photography.

Patuloy sa pagbibigay ng magagandang larawan ng barangay mo, ng bayan mo, ng probinsiya mo at ng bansa mo.

Explore LASAM, Cagayan, inspiring, informing, advocating.

SALAMAT NAMAN..at napansin din ang ating PANAWAGAN tungkol sa pagtatapon ng mga basura sa mga bangin sa gilid ng mga kal...
18/08/2025

SALAMAT NAMAN
..at napansin din ang ating PANAWAGAN tungkol sa pagtatapon ng mga basura sa mga bangin sa gilid ng mga kalsada.

Matatandaang sa ating mga panawagang mula sa mga concerned citizens na naipagbigay-alam sa atin, ginawang "dump site" o tambakan ng mga basura ang mga bangin sa tabi ng mga kalsada sa Brgy. Cabatacan West patungong Flora Apayao, Minanga Norte patungong Magapit, Lallo at Sicalao Highest Point patungong K**a Falls.
See previous post:
https://www.facebook.com/share/p/16B1nSupZy/

Naglagay na ang LGU Lasam ng mga tarpulina sa mga nabanggit na lugar at nakasaad dito ang mga MULTA ayon sa Batas Republika Blg. 9003 o Solid Waste Management Act:

A. Pagkakalat o pagtatapon ng mga basura sa mga pampublikong lugar, kalsada, bangketa, kanal o parke o kaya ay pagpayag o pagpapahintulot upang ganapin ang pagtatapon ng basura.
MULTA: 300 - 1,000 at 1 -15 days community service sa LGU o sa lugar ng pinangyarihan.

B. Pagpapangyari o pagpapahintulot ng koleksiyon ng mga basurang hindi naibuklod (non-segregated).
MULTA: 1,000 - 3,000 at pagkakakulong ng 1 -15 days sa LGU o sa lugar ng pinangyarihan.

𝗜𝘁𝗶𝗴𝗶𝗹 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗜𝗛𝗜𝗠 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗼-𝘀𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝘂𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗱𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼.

Maawa tayo sa ating bayan.

Ang pinatay na KURIMAONG O NORTHERN LUZON GIANT CLOUD RAT ..
16/08/2025

Ang pinatay na KURIMAONG O NORTHERN LUZON GIANT CLOUD RAT ..

16/08/2025

Biodiversity Alert:
ISANG NORTHERN LUZON GIANT CLOUD RAT NA AKSIDENTENG NAKURYENTE, NASAGIP
📌 Sitio Lasik, IBJ, Lasam, Cagayan

Dahil sa pag-aakalang isang malaking sawa na gumagalaw sa damuhan sa isang palayan sa Sitio Lasik, Brgy. IBJ, Lasam, Cagayan, aksidenteng nakuryente ng isang magsasaka ang isang Northern Luzon Giant Cloud Rat (Phloeomys pallidus) na kilala rin sa Ilokano bilang "kurimaong" o bu-ot naman sa Tagalog.

Ang dambuhalang daga ay may sukat na dalawang talampakan mula nguso hanggang buntot at may bigat na 1.8 kilos. Napag-alaman ring barako ang nasabing daga o rodent.

Ayon kay Aling Eldegunda "Undang" Cortez na ina ng magsasaka, inuwi ng anak ang nasabing hayop matapos itong hindi sinasadyang makuryente gamit ang panghuli ng isda. Sa kabutihang palad, nakarekober ang daga, pansamantalang itinali at pinakain. Dagdag pa ni Aling Eldegunda na kung ibang tao ang nakakuha niyon ay maaaring ginawa na itong ulam o pulutan ng mga lasenggo.

Ang nabanggit na kurimaong ay maaaring naligaw sa palayan mula sa malapit na bundok sa paghahanap nito ng pagkain o kasiping. Karaniwan kasing sa mga puno o matataas na bahagi ng mga sanga sa mga kabundukan sila nakatira, kaya tinawag silang "cloud rats".

Ang estudyanteng si Miss Arlyn Urianza Garalde na nag-aaral sa CSU Lasam ang nakipag-ugnayan sa upang masagip ang kawawang kurimaong. Nabasa at batid daw nito na ang mga Northern Luzon giant cloud rats ay endemic lamang sa Pilipinas at ipinagbabawal itong patayin, gawing pet, at gawing ulam o pulutan.

Agad ring pinakawalan ang hayop sa masukal na bahagi ng kagubatan sa Brgy. Sicalao matapos mapagpahinga at magamot ang kaunting sugat.

Ayon kay Born To Be Wild host Dr. Nielsen Donato, ang mga Northern Luzon Giant Cloud Rat ay matatagpuan lamang sa isla ng Luzon partikular sa mga kabundukan ng Cordilleras at Sierra Madre at sila ay kinokonsiderang ENDANGERED species o nanganganib nang maubos.

Tourist Spot Alert:THE CATHEDRAL-LIKE INTERIOR OF BANGAG CAVE: HOW IT MIGHT FORMED📌 Bangag, Lal-lo, CagayanBangag Cave i...
14/08/2025

Tourist Spot Alert:
THE CATHEDRAL-LIKE INTERIOR OF BANGAG CAVE: HOW IT MIGHT FORMED
📌 Bangag, Lal-lo, Cagayan

Bangag Cave in Lal-lo resembles a cathedral due to a combination of geological processes and visual phenomena that mimic the architectural features of Gothic and Romanesque churches.

With its high, domed ceilings, spacious chambers, and layered walls that evoke the interiors of grand cathedrals, the cave was primarily formed through a process called "karstification". This process, which occurs over thousands to millions of years, involves the chemical dissolution of soluble rock—most often limestone (apog).

The ceiling of Bangag Cave is a textbook example of solutional cave formation. Its wavy, rippled, and bumpy textures are the result of water slowly dissolving the rock over long periods of time. The cracks and fissures (birri) visible on the ceiling mark the pathways where water once seeped through, gradually widening into channels over time.

The cave’s soaring ceilings are the result of continuous dissolution and erosion, often aided by the powerful underground water accumulating and flowing through Bangag Cave. Over time, ceilings can become even higher due to collapses (panagreggaay). As the rock weakens from dissolution, large sections of the ceiling or walls can fall, further enlarging the chambers and creating irregular shapes. Evidence of this can be seen in the fractured, blocky appearance of the cave’s walls and ceilings.

The stratified, brick-like walls are a direct reflection of how the rock itself was formed. These distinct layers, or strata, were once horizontal beds of sediment that were compressed on top of each other and cemented together over millions of years. Weakly acidic water later seeped into the ground, following the bedding planes (nagsaepan)—the natural weak points between layers—dissolving the rock along these lines. This process carved out the cave’s passages and exposed the stratified (kamada), brick-like structure we see today.

Color variations on the ceiling and walls—ranging from light tan to deep brown with black or reddish-brown streaks—are caused by mineral staining. As water flows through the rock, it carries minerals such as manganese and iron, which are deposited on the cave’s surfaces when the water evaporates. This creates the dark, streaked patterns seen throughout the cave.

The water inside the cave comes from rainwater seepage. As rainwater absorbs carbon dioxide from the air and soil, it becomes slightly acidic and percolates (sagepsep) through cracks and fissures in the limestone. Since the water has no direct outlet, it accumulates in the cave’s lower areas, forming what appears to be a subterranean river. It has very few noticeable spelothems or cave formations such as large stalactites, stalagmites, columns or flowstones.

Now, are you not amazed how nature asserts itself as the best architect of all time?

---
Thanks to my guide Aguinaldo Verdadero Lordeo.
My 31st cave. Keep exploring. Explore LASAM, Cagayan

Cagayan Tourism
Jenifer Trinidad Junio

13/08/2025

Going Historical:
LAL-LO SHELL MIDDEN SITE, PINAKAMALAKI SA PILIPINAS AT MAAARING PATI SA BUONG SOUTHEAST ASIA
📌 Bangag, Lal-lo, Cagayan

Ang shell midden site (buntuon) ay isang arkeolohikal na lugar na naglalaman ng malaking "tambak" ng mga shell ng mollusks, na karaniwang pinaniniwalaan na mga labi o remnants ng pagkain ng mga sinaunang tao. Bukod sa mga shell, ang mga site na ito ay maaari ring maglaman ng mga artifact tulad ng palayok, mga kasangkapang bato, at mga buto ng hayop.

Ang Lal-lo Shell Midden Site ay isa sa mga pinakamalaking shell midden site sa Pilipinas at posibleng sa Southeast Asia. Matatagpuan ito sa Brgy. Magapit, Bangag at Catayauan. Mayroon ding Shell Midden Site na natagpuan sa katabing bayan ng Gattaran.

Ang mga site na ito ay naglalaman ng mga shell ng freshwater bivalve (kabibe o kaggo o Batissa species) na nasa 5 metro ang kapal at mga artifact mula sa Neolithic Period o Panahon ng Bagong Bato—nasa 7,000 hanggang 4,000 taon bago ang kasalukuyan.

Isa ito sa mga pinakamahalagang arkeolohikal na natuklasan sa Southeast Asia, na nagbibigay ng mga insight o clue sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa rehiyon.

Ang Lal-lo at Gattaran Middens ay bahagi ng Prehistoric Sites ng Cagayan Valley Basin, isang site sa Tentative Cultural List ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO—isang karangalan ang mapabilang rito.

FREE PUKISS... 💋HABA NG HAIR MO 🧑‍🦱🧔!Para sa mga Aetas sa pagdiriwang ng National at International Indigenous People's D...
13/08/2025

FREE PUKISS... 💋
HABA NG HAIR MO 🧑‍🦱🧔!

Para sa mga Aetas sa pagdiriwang ng National at International Indigenous People's Day noong Agosto 9, 2025.

Abangan ang aming mga schedules kung saan maraming kumpol ng mga katutubo.

Address

Lasam

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Explore LASAM, Cagayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Explore LASAM, Cagayan:

Share