28/08/2023
Mag ingat po tayong lahat.
TYPHOON GORING NAGSIMULA NANG UMIKOT, HABAGAT LUMALAKAS PA⚠️
May mga inaasahan pa ring pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Luzon, Visayas, at kanlurang bahagi ng Mindanao dahil sa bagyong at . Medyo kakalma ang panahon sa Northern at Central Luzon, at magiging mas maulan naman sa Southern Luzon at Visayas ngayong araw.
Kasalukuyang Impormasyon:
• LOKASYON NG SENTRO: 210 km sa silangan ng Casiguran, Aurora
• LAKAS NG HANGIN MALAPIT SA GITNA: 175 km/h
• PAGBUGSO: 215 km/h
• PAGKILOS: East Southeastward 15 km/h
• LAWAK NG MALALAKAS NA HANGIN: 280 km from the center
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs):
➡️ ANO ANG EPEKTO NITO NGAYONG ARAW?
• Ang panlabas na sirkulasyon ng bagyo ay patuloy na magdudulot ng pabugsu-bugsong hangin at ilang mga pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Polillo Islands, at hilagang bahagi ng Bicol Region.
• May pabugsu-bugsong hangin pa rin at ilang mga pag-ulan sa malaking bahagi , ngunit mas mahina na kumpara kahapon kaya may mga oras na magpapakita na ang araw.
• Dahil sa habagat, pabugsu-bugsong malalakas hanggang matitinding pag-ulan at hangin pa rin ang inaasahan sa , , , at . Posible itong magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Makulimlim na panahon at pabugsu-bugsong mga pag-ulan at hangin pa rin ang inaasahan sa , nalalabing bahagi ng , nalalabing bahagi ng , at .
• Pangkalahatang maayos pa rin ang panahon sa nalalabing bahagi ng . May tiyansa palagi ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.
➡️ LALAKAS PA BA ANG BAGYO?
• Bahagyang humina ang bagyo ngayong umaga, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na ito ay muling lumakas bilang isang SUPER TYPHOON bukas.
➡️ ANO ANG MAGIGING PAGKILOS NITO?
• NGAYONG LUNES: Ito ay bahagyang lalayo sa kalupaan ng Luzon habang umiikot.
• MARTES-MIYERKOLES: Ito ay muling kikilos palapit sa Extreme Northern Luzon at inaasahang lalapit o direktang tawirin ang Batanes sa Miyerkoles.
• HUWEBES-BIYERNES: Ito ay kikilos na papunta sa Taiwan-China at tuluyan nang lalayo sa bansa.
➡️ ANO ANG MAGIGING EPEKTO NITO SA MGA SUSUNOD NA ARAW?
• MARTES-MIYERKOLES: Ang sirkulasyon ng bagyo ay muling makakaapekto sa Northern Luzon. Magiging mas maulan muli at mapapadalas ang mga pagbugso ng hangin.
Pinakaramdam ang malalakas hanggang sa mapaminsalang pagbugso ng hangin at matinding ulan sa Extreme Northern Luzon, lalo na sa Batanes, simula sa Martes ng gabi hanggang sa Miyerkoles.
• HUWEBES-BIYERNES: Makulimlim at may ilang mga pag-ulan pa rin sa Northern Luzon dahil sa panlabas na sirkulasyon ng bagyo at habagat. Pinakaramdam ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Group of Islands, at kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
➡️ ANO ANG INAASAHAN SA HABAGAT SA MGA SUSUNOD NA ARAW?
Magpapatuloy ang epekto ng "enhanced" habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas sa halos buong linggo.
• MARTES-MIYERKOLES: Makulimlim at may pabugsu-bugsong ulan at hangin pa ring mararanasan sa Luzon (kasama ang Metro Manila) at Visayas. Kumpara ngayong Lunes, maaaring mas madalas na ang mga pag-ulan.
Pinakaramdam ang matitinding pag-ulan sa kanlurang mga bahagi ng Central-Southern Luzon at Visayas.
• HUWEBES-BIYERNES: Maaaring mas lumakas at dumalas pa ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila. Maulan at mahangin pa rin sa Visayas. Pinakaramdam ang matitinding pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon.
• Ang epekto ng "enhanced" habagat ay maaaring magpatuloy pa hanggang sa weekend sa ilang mga lugar.
⚠️ Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling nakaantabay sa mga updates patungkol sa sama ng panahon. Ingat po!
PANAHONKONEK
TROPICAL CYCLONE UPDATE FOR 'GORING'
5:30 AM PhST | 28 August 2023
Main Reference: PAGASA-DOST
Model References: ECMWF/GFS