12/10/2026
𝐒𝐢𝐤𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐤𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐛𝐞 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 "𝐭𝐡𝐞 𝐧𝐞𝐰 𝐦𝐚𝐭𝐜𝐡𝐚."🍠💜 Dati pang-halo-halo o halaya lang natin ito, pero ngayon paboritong flavor na rin ito sa mga lattes, pastries, at desserts sa Amerika at Europe dahil sa ganda ng kulay at sarap ng lasa nito.
Dahil nagkukulang na ang supply sa mundo, ito na ang tsansa ng Albay para maging ube capital ng Pilipinas! Sobrang swerte ng Albay dahil sa matabang lupang bulkan sa paligid ng Bulkang Mayon—swak na swak ito para lumaking mas matingkad ang lila at mas masarap ang ani ng ube.
May mga totoong farm na ngang nagsimula rito. Halimbawa, ang Kastilang chef na si Pablo Fermoselle at ang Pinay partner niyang si Bianca Segui ay nagtayo ng ube plantation sa MP Brizuela Natural Farm sa Tabiguian, Tabaco City, Albay dahil napatunayan nilang pinakamaganda ang lupa roon. Meron ding "LILA" ube project sa El Miro de Shei Integrated Farm sa Camalig, Albay. Kapag naipagpatuloy ang pagsuporta sa mga lokal na magsasaka, kayang-kaya ng Albay na maging pangunahing supplier ng ube sa buong mundo!
Sources:
▪️ABS-CBN News: After searching PH, couple chooses Albay to grow ube
ABS-CBN
▪️MP Brizuela Natural Farm (Tabaco City, Albay): Official page & Ube Production Training Updates
Facebook
▪️El Miro de Shei Integrated Farm (Camalig, Albay): LILA Homegrown Ube Crop Initiative
📸 Around Bicol