05/06/2026
Why your airbnb price feels expensive to guest
May nag-message sayo.
"Magkano po per night?"
Madaling lang sagutin diba?
"₱2,500 po."
Pero pagkatapos...
"Pwede pong ₱1,000 na lang?"
Nakaka-frustrate diba?
Pero kadalasan, hindi naman talaga presyo ang problema eh.
Ang problema?
Nauna mong ibinigay ang presyo bago mo naipakita ang value.
Kapag presyo agad ang narinig ng guest, wala pa siyang dahilan para paniwalaang sulit ito.
Kaya ang ginagawa ng utak niya?
Kinukumpara niya agad ang ₱2,500 sa ibang listing...
"May nakita ako ₱1,200 lang."
"Tutulugan lang naman."
"Parang ang mahal."
Natural lang iyon.
Hindi pa kasi niya alam kung anong problema ang sinosolusyunan mo.
Pero ibang usapan na kapag nauna mong malaman ang dahilan ng inquiry.
Imagine this:
Guest: "Magkano po?"
You: "Before I answer, ano po bang hanap ninyo? Relaxation o celebration?"
Guest: "Anniversary namin ng misis ko. Gusto ko lang siyang ma-relax. Stress na stress sa trabaho eh."
You: "Perfect. Karamihan po ng couples na nagbo-book sa amin, yan din ang hanap. Tahimik ang lugar, walang maingay na kapitbahay, walking distance lang sa mall at ideal para sa quality time. ₱2,500 per night po."
See the difference?
The price didn't change.
But the guest's perception did.
Bakit?
Dahil hindi na niya kinukumpara ang presyo mo sa ibang listing.
Instead, they anchored it to the problem they want solved.
At para sa taong gustong bigyan ng pahinga ang mahal niya sa buhay...
Mas mahal ang maling experience kaysa ₱2,500.
Tandaam mo to:
Price without context = Expense
Price connected to a desired outcome = Investment
Kapag presyo muna ang usapan, naghahanap sila ng dahilan para tumanggi.
Kapag pangangailangan muna ang usapan, naghahanap sila ng dahilan para bumili.
Kaya sa susunod na may magtanong ng:
"Magkano po?"
Subukan mo munang itanong:
1. Ano pong okasyon?
2. Ano pong pinakaimportante sa stay ninyo?
3. Sino-sino po ang kasama ninyo?
Bawat sagot nagbibigay sayo yan ng clue.
Bawat clue nagpapataas ng perceived value.
At bawat clue nagpapalayo ng usapan sa presyo.
At tandaan:
Hindi problema ang rate mo.
The guest just hasn't seen why it's worth it.
At kapag hindi nila nakikita ang value...
Presyo lang ang magiging basehan nila.