
04/05/2025
𝐃𝐎𝐊𝐔𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐑𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐄𝐋𝐈𝐊𝐔𝐋𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 1
"𝐏𝐔𝐇𝐔𝐍𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀"
Sa Bayan ng Tuy, hindi nauubusan ng balat ng itlog pugo. At kung susundan ang mga bakas nito, makakasalubong mo siya sa daan, ang kaniyang puhunan ay ang boses at itlog pugo ang kaniyang tangan. Ang itlog pugo, bagamat maliit ang pisikal na itsura ay nagkaroon ng malaking ambag sa kaniyang buhay. Ngunit, kagaya ng kulay ng balat nito, ang buhay ay hindi laging puti, madalas ay mas malaki ang kulay itim kaysa puti. Paano binago nito ang buhay niya? Paano nakilala at patuloy na kinikilala ang itlog pugo?
Paano binago ng itlog pugo ang takbo ng kaniyang buhay?
Paano ito naging susi sa pagkilala at pag-angat?
Abangan ngayong 𝐌𝐀𝐘𝐎 ang pelikula na 𝐌𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀𝐓 at 𝐌𝐀𝐆𝐁𝐔𝐁𝐔𝐍𝐘𝐀𝐆 ng kwento sa likod ng itlog pugo.
𝐈𝐝𝐢𝐧𝐢𝐫𝐞𝐡𝐞 𝐧𝐢: 𝐀𝐫𝐯𝐢𝐥𝐞𝐧𝐞 𝐒𝐨𝐛𝐫𝐞𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚
𝐈𝐬𝐢𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢: 𝐌𝐚𝐫𝐲 𝐌𝐞𝐠𝐚𝐧 𝐃𝐞 𝐋𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐚