Limay Tourism

Directions

Limay Tourism Explore and Experience the Best of Limay!

𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐌𝐀𝐒𝐒Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Apo Iko, noong Oktubre 4, 2026 sa ganap na ika-8 ng umag...
05/10/2026

𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐄𝐃 𝐌𝐀𝐒𝐒

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Apo Iko, noong Oktubre 4, 2026 sa ganap na ika-8 ng umaga,sama-samang nakiisa ang mga Limayan sa isinagawang Concelebrated Mass.

Pinangunahan ang Banal na Misa ng Lub. Kgg. Rufino “Jun” C. Sescon, Jr., D.D., Obispo ng Balanga, kasama ang mga kaparian mula sa iba’t ibang bahagi ng Diyosesis ng Balanga.

Dumalo rin sina Mayor Richie Jason D. David, Vice Mayor Grace David, mga Konsehal ng Bayan, at maraming mananampalataya upang sama-samang magpasalamat at ipagdiwang ang mahalagang araw na ito.

Ito ay isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya, debosyon at pagkakaisa ng mga Limayan.


𝐁𝐈𝐍𝐈𝐁𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 👑Isang makulay at makabuluhang gabi ang nasaksihan natin sa Binibining Limay 2026! 👑 BINIBINING LI...
05/10/2026

𝐁𝐈𝐍𝐈𝐁𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 👑

Isang makulay at makabuluhang gabi ang nasaksihan natin sa Binibining Limay 2026!

👑 BINIBINING LIMAY 2026
• Tiffany Mia Palmer - Brgy. Lamao

👑 1ST RUNNER-UP
• Gracielle Ann Flora - Brgy. Poblacion

👑 2ND RUNNER-UP
• Patricia Alyson Reyes - Brgy. Kitang I

👑 3RD RUNNER-UP
• Rhema Shee Clarin - Brgy. Townsite

👑 4TH RUNNER-UP
• Wendylyn Joy Añes - Brgy. San Francisco De Asis

Congratulations to our newly crowned Binibining Limay 2026 and to all our remarkable candidates!

Sa bawat kandidatong lumaban nang buong tapang at buong puso, maraming salamat sa inyong ipinamalas na husay at dedikasyon. Ang inyong presensya at pagganap ay nagbigay-buhay sa entabladong tunay na ipinagmamalaki ng buong Limay.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal, barangay, sponsors, judges, volunteers, at lahat ng Limayan na nakiisa, gayundin sa PNP, BFP, LSU, LPSO, MIS, GSO, MDRRMO, at Villaruz Pro Lights & Sounds sa kanilang suporta at serbisyo para sa matagumpay na programa.

Isang gabi ng ganda, talino, talento, at pagmamalaki sa pagiging Limayan.

Mabuhay ang ating mga Binibini!
Mabuhay ang Limay!

📷 Brickss G. Galang



𝐋𝐀 𝐓𝐎𝐑𝐑𝐄 𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐄𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔Naging matagumpay at puno ng kasiyahan ang pagdaraos ng La Torre at Serenata, kung saan nagtagi...
05/10/2026

𝐋𝐀 𝐓𝐎𝐑𝐑𝐄 𝐀𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐄𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔

Naging matagumpay at puno ng kasiyahan ang pagdaraos ng La Torre at Serenata, kung saan nagtagisan ng husay, talento, at galing sa musika ang iba’t ibang banda bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating pista.

Sa pamamagitan ng makukulay na tugtugin, masiglang pagtatanghal, at Serenata, naging mas buhay ang ating pagdiriwang at muling naipakita ang isang tradisyong patuloy na nagbibigay-saya at kulay sa ating komunidad.

Ang bawat tugtog at pagtatanghal ay nagbigay-buhay sa ating kultura at lalong nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at sama-samang pagdiriwang.

𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐓𝐎 𝐀𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐈𝐍𝐍𝐄𝐑𝐒!

𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐔𝐧𝐢𝐟𝐨𝐫𝐦
🏅 Alarcon Band 68

𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐃𝐫𝐢𝐥𝐥
🏅 Alarcon Band 68

𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐌𝐚𝐣𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞
🏅 Alarcon Band 68

𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐢𝐧 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐌𝐚𝐣𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞
🏆 Champion – Abucay Band 91
🥇 1st Runner-Up – Our Lady of Lourdes Marching Band
🥈 2nd Runner-Up – Nuestra Señora del Pilar Band 96

Maraming salamat sa lahat ng mga banda, kalahok, organizers, at sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging maayos, masaya, at matagumpay ang ating La Torre at Serenata.

Mabuhay ang ating mga tradisyon, musika, at kultura!

𝐊𝐀𝐑𝐄𝐑𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔Naging masaya at kapana-panabik ang Karera ng Bangka 2026 na ginanap noong Oktubre 2, 2026, bilang ...
04/10/2026

𝐊𝐀𝐑𝐄𝐑𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔

Naging masaya at kapana-panabik ang Karera ng Bangka 2026 na ginanap noong Oktubre 2, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating kapistahan. Ipinamalas ng bawat kalahok ang kanilang husay, bilis, at determinasyon sa isang paligsahang tunay na nagbigay-sigla sa ating mga kababayan.

Binabati natin ang mga nagwagi sa bawat kategorya:

𝐒𝐈𝐍𝐆𝐋𝐄 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐆𝐖𝐀𝐍
🏆 Champion – Nelson Rosel
🥇 1st Place – Steven Sapuyot
🥈 2nd Place – Jessie Callane

𝐃𝐎𝐔𝐁𝐋𝐄 𝐃𝐄 𝐒𝐀𝐆𝐖𝐀𝐍
🏆 Champion – John Criz Cruz
🥇 1st Place – Loren Montemayor
🥈 2nd Place – Efren Labong

𝐁𝐀𝐍𝐂𝐀 𝐃𝐄 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑
🏆 Champion – Ariel Caber
🥇 1st Place – Romel Arisgado
🥈 2nd Place – Nezzon Diaz

Maraming salamat sa lahat ng lumahok, organizers, volunteers, supporters, at mga kababayang nakiisa at nagbigay-suporta upang maging matagumpay ang paligsahang ito. Naging bahagi kayo ng masaya at makulay na pagdiriwang ng ating tradisyon at kultura.

𝑽𝒊𝒗𝒂 𝑨𝒑𝒐 𝑰𝒌𝒐!


𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐀𝐏𝐎 𝐈𝐊𝐎! 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲!Ngayong ika-4 ng Oktubre, buong pusong nagdiriwang ang Pamahalaang Baya...
03/10/2026

𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐀𝐏𝐎 𝐈𝐊𝐎! 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲!

Ngayong ika-4 ng Oktubre, buong pusong nagdiriwang ang Pamahalaang Bayan ng Limay kasama ang lahat ng Limayeño! Atin pong gunitain at tularan ang simpleng pamumuhay, pagmamahal sa kalikasan, at wagas na pananampalataya ng ating mahal na patrong si San Francisco ng Asis.

Sa gitna ng makukukay na banderitas at masayang selebrasyon, nawa’y manatili ang pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat isa sa atin. Sama-sama tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya at proteksyon na ating natatanggap.

Mula sa pamunuang bayan ng Limay sa pangunguna ni Mayor Richie Jason David, Vice Mayor Grace David at SB Members, maligayang kapistahan mga Ka-Limayans!
Viva Apo Iko!

🎉 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀, 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘! 🎉PAALALA:Sa pagdiriwang ng ating Town Fiesta, sama-sama nating panatilihing masaya, ligtas, ...
03/10/2026

🎉 𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀, 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘! 🎉

PAALALA:
Sa pagdiriwang ng ating Town Fiesta, sama-sama nating panatilihing masaya, ligtas, maayos at disiplinado ang ating komunidad.
🚫 Bawal ang drunk driving
🚫 Bawal ang fireworks/paputok
🚫 Bawal ang baril, patalim at dangerous weapons
🚫 Bawal ang away, gulo at anumang karahasan
🚫 Bawal ang pag-inom ng alak sa kalsada at pampublikong lugar
🚫 Bawal ang reckless driving, karera at excessive revving
🚫 Bawal ang illegal parking at pagharang sa emergency lanes
🚫 Bawal ang sobrang ingay at videoke lampas sa takdang oras
🚫 Bawal ang littering — panatilihing malinis ang paligid
🚫 Bawal ang illegal vending at ilegal na sugal
⚠️ KARAGDAGANG PAALALA:
• Sundin ang traffic at crowd-control measures.
• Huwag harangan ang mga emergency access at evacuation routes.
• Bantayan ang mga bata at matatanda, lalo na sa mataong lugar.
• Iwasang mag-iwan ng mga personal na gamit sa pampublikong lugar.
• Kung may emergency, agad na makipag-ugnayan sa mga awtoridad o emergency responders.
• Makipagtulungan sa mga Police, BFP, MDRRMO, Limay Security Personnel at iba pang responders.

❤️ MAGDIWANG NANG MASAYA. MAGDIWANG NANG LIGTAS.
🎊 MASAYANG FIESTA, DISIPLINADONG LIMAY!
Tamang Disiplina, Para sa Ligtas na Fiesta!

📢 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐑𝐔𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐔𝐕𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐊𝐎𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌊🎉Mga Limayan, narito po ang mga rutang dadaanan ng Fluvial Par...
03/10/2026

📢 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐑𝐔𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐅𝐋𝐔𝐕𝐈𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐊𝐎𝐋 𝟐𝟎𝟐𝟔 🌊🎉

Mga Limayan, narito po ang mga rutang dadaanan ng Fluvial Parade at Karakol bukas, Oktubre 4, 2026 bilang bahagi ng ating pagdiriwang sa Kapistahan ni Apo Iko!

🚤 RUTA NG FLUVIAL PARADE
📍 Simula: St. Francis II Court
➡️ Babaybayin ang kahabaan ng dagat patungo sa Villa Leonor, kung saan magtatapos ang parada.

💃 RUTA NG KARAKOL
📍 Start: Villa Leonor
➡️ Yakal Street
➡️ Roxas Street
➡️ Magsaysay Street
➡️ Sampaloc Street
➡️ Villafranca
➡️ Calma Street
➡️ De Ocampo Street
➡️ Dadaan sa gilid ng Munisipyo patungong Reformista
➡️ Progreso Street
➡️ Wawa
📍 End: Parokya ni San Francisco de Asis

📣 Paalala sa mga motorista at kababayan: Mangyaring alamin ang mga rutang ito at maglaan ng sapat na oras sa inyong biyahe upang maiwasan ang abala. Inaasahan din ang inyong pakikiisa at kooperasyon upang maging maayos at ligtas ang pagdaraos ng mga aktibidad.

Sama-sama nating ipagdiwang ang makulay na tradisyon at pananampalataya ng ating bayan! 🙏


𝐌𝐀𝐘 𝐇𝐀𝐓𝐀𝐖, 𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐃𝐀𝐊, 𝐌𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐘𝐀!Street Dancing na mamaya, Limayans!Ihanda na ang inyong mga mata sa makukulay na kasuotan...
02/10/2026

𝐌𝐀𝐘 𝐇𝐀𝐓𝐀𝐖, 𝐌𝐀𝐘 𝐈𝐍𝐃𝐀𝐊, 𝐌𝐀𝐘 𝐒𝐀𝐘𝐀!

Street Dancing na mamaya, Limayans!

Ihanda na ang inyong mga mata sa makukulay na kasuotan, tenga sa masiglang tugtugin, at puso sa walang sawang suporta! Alas-3 ng hapon, sama-sama nating saksihan ang bawat indak at hataw na magbibigay-sigla sa ating bayan!

𝐍𝐀𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐑𝐔𝐓𝐀:

📍Assembly: Brgy. SFDA Covered Court

National Road ➡️ Poblacion ➡️ St. Francis of Assisi Church (Dance Presentation) ➡️ Villa Franca ➡️ Municipal Hall ➡️ Lucky Save (1st Dance Station) ➡️ Limay Sports Complex

Huwag palampasin ang pagkakataong masaksihan ang isang makulay na pagtatanghal na puno ng galaw, musika, at saya!

Kita-kits, Limayans!

𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐒, 𝐓𝐇𝐈𝐒 𝐈𝐒 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓!Ready na ba kayong kumanta, tumawa, mag-party at makisaya hanggang gabi? Fiesta Groove 2026...
02/10/2026

𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐒, 𝐓𝐇𝐈𝐒 𝐈𝐒 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓!

Ready na ba kayong kumanta, tumawa, mag-party at makisaya hanggang gabi? Fiesta Groove 2026 is calling at siguradong hindi mo gugustuhing maiwan sa gabing puno ng saya at good vibes!

Ngayong 𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐆𝐫𝐨𝐨𝐯𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟔, makakasama natin sina 𝐅𝐥𝐨𝐰 𝐆, 𝐁𝐚𝐛𝐲 𝐃𝐨𝐥𝐥𝐬, 𝐁𝐨𝐨𝐛𝐬𝐢𝐞, 𝐑𝐨𝐜𝐤𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐨𝐲 𝐁𝐚𝐧𝐝 , kasama ang ating hosts na sina 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐜𝐚𝐫 & 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨𝐩𝐡𝐞𝐫.

𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟔:𝟎𝟎 𝐏𝐌
𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐊, 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐘, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍

Isang gabi ng saya, musika at tawanan na siguradong magiging bahagi ng inyong Fiesta Groove memories. Tara, sama-sama nating buhayin ang gabi ng Limay!

Address

National Road, Townsite
Limay
2103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Limay Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share