11/04/2026
Level Up ang ating mga Tanod!
Matagumpay nating natapos ang tatlong araw na training para sa ating mga magigiting na Barangay Tanod, na idinaos Noong ika-8 hanggang ika-10 ng Abril, 2026. Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Marlon dela Torre, VM Joel Tria, at sa ating Sangguniang Bayan Members, sa suporta sa programang ito.
Isang malaking pasasalamat din sa Department of Tourism (DOT), Sir Michael Nicolas at Sir Keith Centeno, sa pag-host ng training na ito. Gayundin, nais nating bigyang-pugay ang ating mga Resource Speakers sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan upang mas mapaghusay ang serbisyo ng ating mga tanod, PCPL Reymund Danao, SFO1 Cris Nazareno, MENRO Focal Ms. Jezrelle Abbie Tria, GAD Focal Mr. Mark Anthony Sinag.
Dahil sa inyong tulong katuwang ang ating Municipal Tourism Office, mas lalong handa ang ating komunidad na magsilbi nang may ngiti at seguridad para sa ating turismo! π€β¨
LGU Looc Arangkada - Occidental Mindoro