01/09/2026
πππππππ: Mainit na tinanggap ng Bayan ng Looc ang mga kinatawan ng Sunlight Air, ang Public relation agency nito, at ang mga kilalang media partners at travel content creators noong Agosto 28, 2026.
Ang nasabing pagbisita ay bahagi ng apat na araw na Sunlight AirβRomblon LGU Key Opinion Leaders (KOL) and Media Familiarization Tour na ginanap noong Agosto 25 hanggang 29. Layunin nitong mai-promote ang mayamang kultura, lokal na pagkain, at mga natural na pasyalan sa Romblon, kasabay ng pagtatampok sa mas mabilis na biyahe papunta sa lalawigan sa pamamagitan ng bagong ClarkβTablas route ng Sunlight Air.
Bilang isang bayan na aktibong nagsusulong ng Sustainable Development Goal (SDG) 14: Life Below Water at kilala bilang βMarine Basket of Romblon,β ipinagmalaki ng lokal na pamahalaan ang malinis na karagatan at yamang-dagat nito sa ginanap na pormal na pagtanggap sa Barangay Agojo.
Kabilang sa mga dumalo sa pamamasyal ang mga kilalang travel creators tulad nina Explore with Chelo PH, Byahecho, Explore with Vince, The Pinoy Traveler, Pampanguena Visits, TRAVELORIIE, Will Explore Philippines and World, Gerald Laagan, at Ann Tristine. Nakasama rin sa nasabing tour ang mga pangunahing media outfit gaya ng Rappler, Spot.ph, 8List, at Manila Bulletin.
Naging posible rin ang maayos na pagpapatuloy sa mga panauhin sa tulong nina Maβam Mariah Roxanne at Mr. Mar, na bukas-palad na nagpahiram ng kanilang pribadong pasyalan sa dalampasigan ng Agojo.
Binigyang-diin ng Pamahalaang Lokal ng Looc na patuloy nilang isinusulong ang community-led at sustainable tourism, kung saan ang pakikipagtulungan ng mamamayan, pagpapahalaga sa kultura, at pangangalaga sa kalikasan ang susi sa pagbibigay ng maganda at makabuluhang karanasan sa bawat turistang bumibisita sa bayan.
# LoocArangkadaNa!