09/07/2026
Kung may taong hindi mo kilala o kahit mukhang mabait o matanda pa na humihingi ng tulong para dalhin o bantayan ang bag nila sa airport o kahit nasa eroplano na, politely decline.
Kung talagang kailangan nila ng assistance, mas mabuting irefer sila sa uniformed airline staff o sa airport information desk, dahil sila ang tamang tao na makakatulong.
Tandaan, hindi mo alam kung ano ang laman ng bag na ipinapahawak sayo. Baka may lamang ipinagbabawal o illegal items, at kapag nahuli, ikaw pa ang mapagkamalang may-ari o may kinalaman. Mas mabuting maging maingat kaysa magsisi.