06/06/2026
Tunay na kay ganda mo, Quezon! ๐๐ฟ
Lubos naming ipinagmamalaki na kami ay naging bahagi ng opisyal na paglulunsad ng Bondoc Peninsula Agri-Tourism at Pilgrimage Tourism Circuits na isinagawa bilang bahagi ng programang โBonPen Trails: Cultivating Faith, Harvesting Experiences.โ
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Quezon Provincial Tourism Office sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng turismo sa lalawigan. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang pagsusumikap upang maipakilala ang mga natatanging destinasyon at karanasan sa Quezon. Tulad nga ng kasabihang "Malayo pa, ngunit malayo na" โMalayo na ang narating ng mga nasimulang plano tungo sa mas maunlad na turismo.
Isang makabuluhan at hindi malilimutang karanasan ang aming nasaksihan kung saan mas lalo naming nakilala ang kagandahan ng ibaโt ibang bayan sa Bondoc PeninsulaโPadre Burgos, Agdangan, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Pitogo, at Unisan. Bawat bayan ay may kani-kaniyang natatanging kuwento, mayamang kultura, tradisyon, pananampalataya, at likas na yaman na tunay na maipagmamalaki.
Sa pamamagitan ng programang ito, higit na naipakita ang ganda ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawat bayan, kabilang ang kanilang mga produktong agrikultural, masasarap na lokal na delikasiya, at makulay na pang-araw-araw na kultura.
Bilang katuwang sa pagpapaunlad ng turismo, ang Travel Specialist Ventures โ Lucena Branch ay buong pusong sumusuporta sa mga inisyatibang naglalayong palakasin ang lokal na turismo at maipakilala sa mas nakararami ang yaman, kagandahan, at natatanging karanasan na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.
Ito'y isang patunay na kay yaman ng Quezon sa kalikasan, kultura, at mga karanasang hindi malilimutan.โจ
Kayaโt Tara na sa Quezon, Tara na sa Bonpen!