MajayjayOpenSky

MajayjayOpenSky verified A Facebook webpage dedicated to Majayjay community around the globe. Our purpose is to "connect" the community from the past, present and future.

MajayjayOpenSky serves as your link to Majayjayeños daily activities, social living, meeting, announcement, schedules, program, notice or even tsismis (please no ungentle and unpleaseant in action or effect). Click the "Wall" button to join up with our kababayan.

correct me if I'm wrong. sa lahat ng mga nagbi Visita Iglesia janmay napupuna po ba kayong ganyanghugis sa simbahan ng i...
20/02/2026

correct me if I'm wrong.

sa lahat ng mga nagbi Visita Iglesia jan
may napupuna po ba kayong ganyang
hugis sa simbahan ng ibang bayan.

may nakaka alam po ba kung ano ang tawag dito?

"sa maniwala kayo at sa hindi, daan yan papuntang Taytay Falls noon" circa 1994
08/02/2026

"sa maniwala kayo at sa hindi,
daan yan papuntang Taytay Falls noon"
circa 1994

“romancing the falls”❤️
30/01/2026

“romancing the falls”❤️

Mula sa panulat ni Mario Montesena Nombrado(Mahaba pero makabuluhan)—————————————————-THE LITTLE CAVES OF MAJAYJAY(Ang m...
30/01/2026

Mula sa panulat ni Mario Montesena Nombrado
(Mahaba pero makabuluhan)
—————————————————-

THE LITTLE CAVES OF MAJAYJAY
(Ang mga Mumunting Kuweba ng Majayjay)

May ibinaon daw na kayamanan noong Panahon ng Hapon? Kalokohan. May mai content lang at pagkakakitaan kahit walang katotohanan.

Sa dami ng mga blogs or vlogs ngayon, dapat ba silang paniwalaan kaagad?

Mula sa nabasa kong article sa OOTB-Out Of The Box Media Literacy Initiative, sabi do'n, "Vlogs can be significant sources of MISINFORMATION. The content creators can profit from high engagement and views. Social media algorithms prioritize content that keep users on the plaform longer, with false information that spread faster than factual reporting. It often lacks expert of filtering or fact-checking, allowing false claims to circulate freely."

Kaya ang nangyayari ngayon, mali 'yong nalalaman ng mga tao pero posibleng paniwalaan, eh paano naman ang katotohanan?, matatabunan na?, dahil sa maling impormasyong ipinalalabas at isinishare pa kaagad ng iba kaya kumakalat na.

By the way, what is MISINFORMATION? it is an honest mistake, error or a case of getting the facts wrong. Kaya MALI ang naibabalita.

Ano naman ang DISINFORMATION? a false information deliberately created and circulated with the intent to deceive and cause harm. MALI din.

Now, balik tayo sa maliliit na kuweba ng Majayjay.

Ayon sa aking sariling pagsasaliksik, ang mga maliliit na kuweba sa tabing kalsada ng "provincial road" paakyat sa deposito papuntang kabisera ng Sta. Cruz ay hindi talagang mga kuweba na may stalactites at stalagmites. Ito'y nagkaro'n lamang ng "opening" or pasukan na maaaring gawa rin lang ng mga tao noong nakaraang panahon. In 1976 during the shooting of the movie "Tatlong Taong Walang Diyos" sa bahay ng mga Pontiveros (Bahay ni Nora malapit sa kuweba) ay nakikita na ang maliliit na entrada ng kuwebang ito na natatakpan ng masukal na damo. Tanda ko na noon, during my grade school days in the mid 70's, kapag napapadaan dito ang pampasaherong dyip ng aming tatay, napapalingon ako sa madidilim na butas ng kuweba at nakakapanglaw sa lugar na ito noon.

Kahit noong 1980's during my term as KB President, walang napag-uusapan sa consejo municipal na may "hidden treasure" dito, kahit pa sa mga tala' ni Mayor Felix Gozo na isa ring historian ay wala kang mababasa tungkol sa kuweba na may kayamanang ibinaon ang mga Hapon.

Ayon din sa aking madalas makausap noong 1990's on my 1st term as councilor na si G. Artemio "Teming" Sobreviñas na dating Pambayang Hepe ng mga Tanod at nakatira sa kabila ng kalsada na malapit sa mga kuweba. Sabi niya, pinapasok ang mga kuweba noon dahil kinukunan ito ng mga buhangin at bato kaya nagkaroon ng mga espasyo sa loob. Maliban doon wala siyang ibang nababanggit na may nakabaong kayamanan dito at may mga "treasure hunting" na naganap.

Ayon pa rin sa mga alamat, may mga tanong na bakit nga ba kalimitan ay may mga kuweba malapit sa mga lumang tulay? Katulad ng Old Spanish bridge ng Olla na itinayo noong 1868 at nagiba noong October 30, 2009 dahil sa bagyong Santi. Ang sagot ay malamang totoo, na ang mga guwang na ito sa mga malapader na anyo ng lupa ang pinagkukunan ng mga adobe, apog at iba pang materyales sa paggawa ng tulay. Sa Puente del Capricho o Tulay Pigue na itinayo noong 1852 ay mayroon ding maliit na kuwebang katulad nito.

Kaya dapat ay iwasan ang paglikha o pag-imbento ng mga kuwentong haka-haka at walang malinaw na basehan na nagdudulot ng pagkalito sa mga nakakabasa at nakakapanood ng vlog. Huwag maniniwala kaagad.

Ang 2 salitang ginamit ng vlogger na GINTO at panahon ng HAPON' during WWII ay nakakaakit pakinggan at nagkakaroon ng interes ang mga viewers kahit wala namang katotohanan at 'yan ay maliwanag na pagkakalat ng MISINFORMATION at DISINFORMATION sa publiko tungkol sa mga kuweba ng Majayjay. Isa itong historical distortion na dapat ay kaagad nabibigyan ng babala at kaukulang aksyon ang mga vlogger thru municipal ordinance upang hindi tularan ng iba.

Salamat po.

MARIO M. NOMBRADO
Former Municipal Councilor and Tourism Officer@
Self-Made Local Historian

Maraming salamat sa grupo nina Kons. Edison Reyes EDison Sobreviñas Reyes at Kons. Dandred Eriga Dandred Ordoñez Eriga , may-ari ng mga lirato mula sa kanilang pag inspeksyon sa lugar. Ang "write up" na ito ay ipinasa ng inyong lingkod sa "Committee on Tourism" noong Dec. 10, 2025.

“tulay pa Banga” Saan nga ba ang Ilayang Banga at Ibabang Banga, saan ang kanilang boundary?🤔
24/01/2026

“tulay pa Banga”
Saan nga ba ang Ilayang Banga at Ibabang Banga, saan ang kanilang boundary?🤔

Ang pangalan niya ay Tessie Agana, isang tubong Majayjay, Laguna.Si Tessie—Maria Theresa Rigotti Agana sa tunay na buhay...
22/01/2026

Ang pangalan niya ay Tessie Agana, isang tubong Majayjay, Laguna.

Si Tessie—Maria Theresa Rigotti Agana sa tunay na buhay—ay isinilang noong Mayo 16, 1942. Siya ay anak ng beteranang aktres na si Linda Estrella at ni Dr. Adriano Agana.

Ayon sa pahayag ng digital group na Memories of Old Manila (MOM), si Tessie ang itinuturing na kauna-unahang pangunahing child superstar sa Pilipinas.

“Ang unang pangunahing Filipino child superstar ay malawakang kinikilalang si Tessie Agana, na kilala bilang ‘original child wonder,’” ayon sa MOM.

Sinabi ng grupo na si Agana ang nagbukas ng landas para sa maraming makabagong artista na nagsimula bilang child stars at kalauna’y naging malalaki at pinarangalan na aktres.

“…naglatag sila ng daan para sa mga sumunod na bituin tulad nina Vilma Santos, Snooky Serna, at Serena Dalrymple…,” ayon pa sa grupo.

Idinagdag nito na ang mga nabanggit na dating child stars ay mga tagapagmana ng isang alamat na aktres na sumikat sa pagsilang ng lokal na sinema sa pagsapit ng ika-20 siglo.

“…kung saan si Atang de la Rama ay madalas ituring na kauna-unahang pangkalahatang bituin ng pelikulang Pilipino mula sa panahon ng silent films…,” ayon sa manifesto ng MOM.

Tinagurian si Agana bilang tagapagligtas ng Sampaguita Pictures noong panahong ito ay dumaranas ng pagkalugi.

Si Tessie raw ang “nagligtas sa Sampaguita Pictures sa pamamagitan ng kanyang napakalaking hit na Roberta noong dekada 1950…”

Ang pag-angat ni Agana sa kasikatan ay isang huwaran. “Ang kanyang pambihirang papel sa Roberta ay naging isang napakalaking tagumpay sa takilya, nagligtas sa Sampaguita Pictures mula sa pagkalugi, at nagdala sa kanya sa pambansang kasikatan.”

Ayon sa MOM, ang pamana ni Tessie Agana:

“Siya ang naglatag ng daan para sa maraming child actors, at naging kauna-unahang ikonikong child star ng Pilipinas.”

Maraming taga-Majayjay ang ipinagmamalaki si Tessie Agana.

Pinaka-malapit na historikal na konteksto ng larawan:Noong Rebolusyong Pilipino laban sa Espanya (1896–1897), ang mga si...
18/01/2026

Pinaka-malapit na historikal na konteksto ng larawan:

Noong Rebolusyong Pilipino laban sa Espanya (1896–1897), ang mga simbahan sa Laguna ay madalas na ginagamit bilang:
• pansamantalang himpilan o barracks
• tagpuan at lugar ng pagtitipon ng mga rebolusyonaryo
• pook pahingahan o pansamantalang kulungan matapos ang mga sagupaan

Kagaya rin sa bayan ng Majayjay, hindi tahimik na bayan ang Majayjay noong panahong iyon. Taglay nito ang:

• mga edukadong pamilyang ilustrado
• mga tagasuporta ng rebolusyon
• estratehikong kahalagahan bilang lagusan patungo sa kabundukan ng Banahaw

Nang humina ang kapangyarihan ng mga Espanyol, madalas na inaokupa ng mga lokal na pangkat rebolusyonaryo ang mga simbahan—hindi upang bastusin ang mga ito, kundi dahil ang mga ito ay:
• maluluwag
• madaling ipagtanggol
• sentral ang kinalalagyan sa mga bayan

Malakas ang dating ng larawang ito bilang isang sandaling pahingahan sa pagitan ng mga pagkilos: makikitang nagpapahinga ang mga lalaki, nakababa ang kanilang mga sandata, at walang bakas ng kaguluhan o takot.

“eksena sa isang pelikula na ginanap sa ating bayan”  (colorized)
11/01/2026

“eksena sa isang pelikula na
ginanap sa ating bayan”
(colorized)

03/01/2026

kaway kaway dyan yung mga haranista. Sinagot kaba o binasted.

01/01/2026
28/12/2025

“sa lahat ng mga naabutan ito, anong memorable experience nyo dito?”

Address

Majayjay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MajayjayOpenSky posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category