08/11/2024
Magbubukas ang unang bahagi ng LRT-1 Cavite Extension sa November 16, 2024. Ito ay may limang istasyon kabilang na ang Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, at Dr. Santos. Ang extension na ito ay magbibigay ng mas mabilis na biyahe para sa mga pasahero patungong Parañaque at Cavite.
Ang Phase 1 ay sumasaklaw mula Redemptorist hanggang Dr. Santos, habang ang Phase 2 ay mula Las Piñas hanggang Niog sa Bacoor City, Cavite. Inaasahan ang buong operasyon ng LRT-1 sa 2031.
📷: Light Rail Manila Corporation