20/11/2025
Year 2022 nung una kaming pumunta sa Boracay ng husband ko. Naghanap ako sa mga fb groups ng mga activities na pwedeng gawin. Sa dami kong nakausap na tour guide, si Kuya Byron Butawan Reprado ang napili ko kasi siya ang pinakamura sa mga nakausap ko that time. 😁 After checking kung legit siya, nakipag close deal na ako sa kanya sa mga gagawin naming activities ng husband ko.
Hindi ako nagkamali kay Kuya Byron dahil very flexible siya at hindi ka mabobore dahil marami siyang kwento. hahaha
Ngayong year 2024, bumalik kami kasama na ang buong pamilya namin. May nagbago lang kay Kuya By. Kasi mas gumaling pa siyang tour guide at DOT accredited na siya kaya legit na legit na! 😁 Tuwang tuwa rin ang pamilya ko sa kanya napasabi pa ang papa ko na bigyan ko raw ng tip hahahaha deserving naman kasi talaga dahil siya talaga ang kikilos habang kasama niyo siya. Kumbaga may kusang mag alok ng mga needs niyo.
Sabi pa ng kuya ko, "may time na inaantok na ako sa land tour pero pag nagkwe-kwento bigla si Kuya Byron nawawala yung antok ko. Ang galing very flexible pa."
Thank you, Kuya Byron! Babalik at babalik pa rin kami sa Boracay at ikaw pa rin ang lagi naming hahanapin. Tulad ng lagi mong sinasabi "WELCOME TO MY ISLAND" hahahaha
See you again soon! 🤗🎉
Sa mga naghahanap pa ng tour guide, si Kuya Byron na ang kunin niyo. Hinding hindi kayo magsisisisi. 🤗