11/09/2026
MALAKING TAGUMPAY PARA SA MALOLOS
STAR AWARDS 2026 | Subic, Zambales
Isang makabuluhang gabi ng pagkilala, tagumpay, at pagmamalaki para sa Lungsod ng Malolos sa katatapos lamang na STAR Awards!
Buong puso nating ipinagdiriwang ang mga parangal na natanggap ng ating mga organisasyon at institusyon na patuloy na nagsusulong ng turismo, kultura, pamana, at sustainable tourism ng Malolos.
BALANGAY APUY: MALOLOS ACCREDITED TOUR GUIDES ASSOCIATION
🥈 Community-Based Tourism Legacy Award
2nd Runner-up – Balangay Apuy Community Tour Guides Association
🏆 Cultural Heritage Stewardship Award
CHAMPION – Balangay Apuy Tour Guides Association
🏆 Green Tourism Champion Award
OVERALL CHAMPION – Balangay Apuy Tour Guides Association
Ang mga parangal na ito ay pagkilala sa dedikasyon ng ating mga tour guide sa pagbabahagi ng kasaysayan, kultura, at pamanang Maloleño, habang isinusulong ang responsableng turismo para sa susunod na henerasyon.
Maringal na pagbati rin sa PUNI DE
MALOLOS!
🥈 Cultural Heritage Stewardship Award
1st Runner-up – Puni de Malolos
🏆 Bridges of Change Award
CHAMPION – Puni de Malolos
Isang patunay na ang sining, tradisyon, at malikhaing gawa ng mga Maloleño ay may mahalagang papel sa pagpapanatili at pagpapakilala ng ating kultura.
🏛️ CONGRATULATIONS, LGU MALOLOS!
🏆 Resilient Destination Award – City
CHAMPION TRAILBLAZER – LGU Malolos
At binabati rin natin ang:
🥈 Green Gatherings Excellence Award
2nd Runner-up – Rakpublika Community
Pagbati rin sa BISTRO MALOLENYO
Finalist - Salt to Sustainable Award Categroy
⭐️ Bistro Malolenyo
ISANG TAGUMPAY. ISANG MALAKING PAGKILALA. ISANG MALOLOS.
Ang mga parangal na ito ay hindi lamang tropeo bagkus ito ay simbolo ng sama-samang pagsisikap ng ating mga tour guide, cultural workers, artists, community organizations, at Pamahalaang Lungsod upang patuloy na maipamalas ang *lkasaysayan, kultura, pamana at makulay na pagkakakilanlan ng Malolos.
Mabuhay ang Malolos!
Mabuhay ang kulturang Maloleño!
Mabuhay ang mga taong patuloy na naglilingkod para sa ating turismo at pamana!