18/02/2022
Hindi ko po minamaliit ang mga nag-momotor o kaya't iginigiit na mas delikado ang pagsakay sa motor.
Tutal naman hindi kamote ang mga biktima sa insedenteng ito. pauwi o papasok lamang sila.
Gayunpaman, hindi natin mahahayaan ang realidad. Kung mas may kaya ka, mas kakayanin mo pumili ng mas ligtas na alternatibo.
Kahit na bumili ka ng pinaka-mamamahaling helmet, armor at riding boots... kung inararo ka ng oto maliit pa rin ang posibilidad na hindi ka masusugatan.
Makabagong kotse? Karambola? Di na bale, napapaligiran naman ako ng madaming airbag at may seatbelt. Sila? Dead-on-the-spot sa semento, pilit na kumapit sa buhay.
Parang bang isang alien na unang beses makatungtong sa bagong planeta: bumagsak ang space ship, maingay ang mga sensor at kompyuter nito, komportable ang loob pero kailangang lumabas, nariyan na ang mga katutubo ng planeta at hindi niya maintindihan.
This has been weighing heavily on our consciences. The juxtaposition of the wealthy surrounded by curtain airbags while the victims died there on the concrete.
Could one think of the airbags as a symbol of insulation? Does privilege entitle someone to be so selfish as to drive cross-faded and kill innocent road-users?
Ano ba ang kaya mo? Saan ka aabutin? Kahit na mag-ingat ka, may mga sira-ulong sasalubong sayo.