Makata

Makata Laya'y matamasa
Wika nito'y nimasa
Lantay nitong Ganda
Ay sa Mundo ipakita

15/09/2024

Gabing kayganda
Eto naka higa na
Napapa isip sa mga bagay na
Akala ko ok na pero Hindi papala

Walang umintindi
Tanging Ako at ang Sarili
Sana wag nang maging mapili
Kasi pagod nakong manatili

"Ok pa"
Credit: Makata

22/01/2024

Lantang bulaklak

Gabi nang ako'y nag lalakad
Ako ay nakakita Ng bulaklak na namumukadkad
Isang Rosas na walang katulad
Kaya siya'y binunot sa ilalim ng buyod

Sa Aking pag hawak Ako'y natinik
Para bang pahiwatig ng sa aki'y pag ningik
Takot ko'y sa aki'y Kay bagsik
May pahiwatig palang naka imik

Tanging mensahe niya
Wala na tapos na
Mga letra ng pag luha
Kaya Ako ay biglang nawala

Sinubukang mag balak
Ngunit Hindi na itinulak
Mula sa taas ako'y lagapak
Parang Isa Lantang Bulaklak

22/01/2024

Gubat

Sa Isang panaginip
Ako ay na naipit
Na tila ba'y napaka sikip
Kahit ako'y maliit

Ako'y tinulak palabas
Nang napaka lakas
Para dumulas
Sa lungga ng wakas

Tumakbo papalayo
Sabay ng tibok Ng puso
Lagutok Ng buto
Hanggang tamaan Ng palaso

Nagising sa gitna Ng gubat
Walang Boses gaya Ng malat
Di naka pag salita habang mata'y naka mulat
Mula sa harap Ng lalaking may sibat

Di ko inaasahan Ang pag bagsak
Ulo'y biglang nawasak
Sa harapan ko'y bumagsak
Na sa Aking muka dugo ay lumagpak

Muling tumakbo
Natalisod at nadapa kung saan malapit sa dulo
Kahit masakit ay pinilit tumayo
Para sa Hangganang Hindi sigurado

Ngayon gising na ako sa bangungot
Isang panaginip na masalimuot
Parang pusong takot Ang nabalot
Kaya pala sa Gubat nila Piniling maging kasulasulasok

18/01/2024

Ako at Ikaw

Parang ihip sa hangin
Kung Aking iisipin
Na ika'y magiging akin
Kahit ipilit parin

Sana iyong madama
Aking pag Ibig sinta
Ako'y sai'Yo nangungulila na
Dahil Ikaw ang aking harana

Sa bawat araw
Ako'y lubos na nauuhaw
Sa pag ibig na tanging Ikaw
Ang makakapag bitaw

Na kahit minsa'y sa aki'y maibigay
Habang ako'y nag hihintay
Para Ikaw ay maging aking buhay
Hanggang sa aking pagkaratay

Ito ang himno Ng aking puso
Pag bigkas na di susuko
Kahit ako'y mag hintay ng ilang yugto
Dahil Ikaw ang aking pag samo

Ako'y kukuha Ng bulaklak na dilaw
Mag luluto ng inihaw
Mag hahanda ng kwarto na may mumunting ilaw
Para sa panahong Ako at Ikaw

06/01/2024

2023 Ko

Mga panahong lipas na
Di ko nabilang ang araw na nawala
Pero sa lahat ng iyon ay isang ala ala
Kung saan ako ay naging masaya

Masakit ang bawat araw
Kaya mas piniling mag pang ginaw
Dahil sa hanging nakaka ginaw
Kasabay ng pag kaing hilaw

Nag iisip pano ako nakalaya
Wala namang ginawa
Kundi umiyak at tumulala
Kahit mata'y namugto kaka luha

Pero kahit lahat ay nangyari
Eto ako patuloy sa pag ngisi
Di natatakot at handang masawi
Dahil batid kong ako ay sasayang muli

2024 na ngayon
Sana dina katulad noon
Na puro sakit ang aking malilingon
Dahil 2023 ko ay Isa nalang kahapon

30/11/2023

Libro

Sasapit ang umaga
Naka dungaw sa k**a
Mga k**ay ay aligaga na
Letra sa bawat sulat na naitala na

Mga mutya ng Isipan
Sulat ng walang kapintasan
Likha na kinagigiliwan
Libro itong ngalan

Galak ng puso
Ligaya ng isip dito
Sa bawat letra nito
Imahinasyon sa tila'y ibang mundo

Habang binabasa
Puso'y Kay sigla
Nag aabang sa mga talata
Maging sa susunod na kabanata

Pahiwatig ng pagod
Tila ba'y mangungudngod
Pero hindi pa yaod
Isipa'y nais malunod

Umaga, tanghali,
At Gabi
Ako'y wiling wili
Sa pag babasa Ng libro diko mai santabi

24/11/2023

Mundong Paraiso

Itong aking maikling tula
Ay aking alay sa isang binata
Na nag akala na siya'y pag kakasala
Sa kadahilanang di niya nagawa ang tama

Minsan iniisip natin ang mali
Kaya ito nagiging ugali
Naka hukot at naka ngisi
Kahit malungkot sa pag sisisi

Di nag atubiling mag tapat
Kahit alam niya ang naka akibat
Lungkot, sakit, kirot, at sugat
Nakikita lang niya itong lahat

Kahit ganoon
Siya'y nakatuon
Sa darating na panahon
Kung saan ligaya ang naroroon

Salamat sa kwento mo
Natuto ako
Sa dinami rami ng mga karanasan ko
Diko akalaing may mas bigay na sugat ang inilihim mo

Mag pahinga ka
Sana ay namamahinga kana
Sana pagod mo ay wala na
Hanggang sa muli binata

Taas noo
Pag susumukapan ko
Na kahit pagdurusa ang nasa harapan ko
Magiging kagaya ko ang Isang gaya mo

Binata Masaya Ako
Para sayo
Mag pahinga kana sa Mundo
Sa Mundong paraiso

17/11/2023

Tapos Na

Pag bitiw ko
Lahat nag laho
Alam ko yung totoo
Kaya ako nag bago

Lahat pala yun kasinungalingan
Na akala ko'y katotohanan
Dahil sa imaheng napagmasdan
Diko inaasahan na ako'y laruan

Mainam at ako'y nakalaya
Biruin mo ang laki ng binago niya
Pagkatao ko, Ako, Mundo ko para sa kanya
Buti nalang talaga

Lahat ngayon ay isang alaala
Lumilipas na pati imahe niya
Ako'y mananatiling masaya para sa kanya
Kahit na diko na siya kilala

10/11/2023

10:00 PM

10:00 PM nanaman
Salita Ng mga taong dimo alam
Kung ano ba ang ginagawa Ng mga oras nayan
Hanggang sa aking naranasan

Dilim Ng paligid
Pakiramdam ay lumilingid
Dahil sa salitang manhid
Na Ang tanong at nais ipabatid

Kulang
Kaylan
Dahilan
Nakaraan

Iniisip saan nag kulang
Bakit at kaylan
Sana umpisa palang alam Kona ang dahilan
Para diko na pinilit dahil sa nakaraan

Mga salitang di inaasahan
Pero siya Ang naging dahilan
Para Ang kasalukuyan
Ay pahirapan

Tanong Ng utak
Sana di nalang tinulak
Ng Hindi na nag balak
Na mag MAHAL at mamulaklak

Parang dahong basa
Tubig ay bababa
Papatak at mawawala
Ganyan Ang Aking natamasa

Luha
Nawala
Napinsala
Tiwala

Tuloy tuloy Ako sa pag luha
Hanggang dibdib ko halos nawala
Puso ko'y napinsala
Ngayon durog at walang tiwala

Takot
Lungkot
Nakabalot
Masalimuot

Nanginginig sa takot
Balisa dahil sa lungkot
Problema Ang nakabalot
Dahil sa pakiramdam na masalimuot

Bakit Kasi Tayo nasaktan
Sabi ko nga Dina ulit lalaban
Dahil Ng Aking sinubukan
Wala akong napala, eto duguan

Imahe sa Isipan ay alaala
Kung saan kahit pasakit Ang pinapaalala
Nag mistulang paalala
Na sana'y natuto na

Kalimutan
Nagdaan
Kasalukuyan
Kapanatagan

Matutong kalimutan
Ang bawat alaalang nagdaan
Para sa kasalukuyan
Ay Dina mahirapan at magkaroon Ng kapanatagan

Huling talata bilang payo
Wag mong ibuhos Ng Todo
Baka masaktan ka Ng husto gaya ko
Hayaan mo na umagos pero dun sa tamang tao

2:00 AM na
Panibagong Araw at pag asa
Tulog na muna
May laban kapa Aking replika

10/11/2023

Tara

Ano kaybigan sama ka
Gagala ako Ng Kasama ka
Kahit saan Tayo mag punta
Di kita iiwan dahil ako'y Masaya

Pero tandaan mo
Kahit sa hirap payan di tayo susuko
Maaasahan hanggang dulo
Pero wag Pera Wala Ako

Haha iiyak tatawa
Kapag malungkot Ako Ang ligaya
Kahit walang ibang Kasama
Basta tayong mag tropa sapat na

Sa pagkain
Kung Anong Meron Tara kainin
Di mag hahanap Ng pipiliin
Basta Ako masaya parin

Pupunta Tayo roon
Kahit malayo G susuong
At kahit pa sya maambon
Talaga naman tayo'y paparoon

Dala ka Ng bimpo
Pamunas, pantakip sa ulo
Baka mamaya mapagod Tayo
Atlis may bitbit ka na bimpo

Teka bitbitin ko na
Lalarga Tayo ahh
Ano sama ka?
Tayu kana, Tara!!

10/11/2023

Kumusta

Uy, kumusta ka
Wala nakong balita
Para kang bula
Bigla ka nalang nawala

Akala ko Nung una iba ka
Akala kolang pala
Pero yun nga gaya Karin nila
Iiwan akong gamit at itsapuwera

Balitaan mo naman kami
Ako na dating pinili
Ay Mali Hindi ngapala pinili
Kasi sabi mo may nanatili

Iniisip ko kung bakit
Yung bigat at sakit
Pakiramdam niya nakakapalipit
Dahil sa aking pag pilit

Ok nako ngayon
Nakiki balita Muna yun ang tuon
Tagal narin at lumaon
Lahat kami nakalimutan iyon ang tugon

Naaalala ko lahat dati
Mga kalokohan ay nanatili
Puot at sakit ay naitali
Grabe ka nakaka bingi

Basta paalala
Wag Kang gagaya sakin na tanga
Maniwala Ako na akala ko Yun na
Pero Yung dulo pinsala ang dala

Yan Ang huling paalala
Baka Kasi madisgrasya
Tandaan mo dika nag iisa
Balitaan mo kami ahh, Kumusta?

09/11/2023

Araw Araw

Kada Araw na nagdaan
Akala ko lahat ay kadarimlan
Mga panahong luhaan
Ngayo'y balot na Ako Ng kaligayahan

Sa bawat Oras
Tila ba lahat ay napilas
Ang sakit parang kagat Ng ahas
Pero ligaya pala Ang wakas

Natuto Ako sa pag kak**ali
Kaya eto Ako Ngayon Masayang muli
Na Ako ay magiging matalino sa pag pili
Para Dina mawasak muli

Uulan sana
Pero di Mangyayari dahil Wala na
Hinaing ko sa kalangitan na
Ako'y maging Masaya

Araw Araw may pag asa
Araw Araw bagong simula
Araw Araw ay ligaya
Sana Araw Araw maging masaya

Address

Manila

Telephone

+639852458273

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makata posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share