Morong, Bataan Beach Tour Guide

Morong, Bataan Beach Tour Guide Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Morong, Bataan Beach Tour Guide, Tour guide, Morong.

30/04/2026

GOGORA BA KAYO SA MORONG, BATAAN? πŸŒŠβ˜€οΈ

Bago mag-relax at mag-enjoy, i-check muna kung legit at rehistradong negosyo ang beach resort na pupuntahan ninyo! πŸ–οΈβœ…
Para iwas abala at siguradong safe ang bakasyon, bisitahin ang link dito:
πŸ‘‰ https://docs.google.com/spreadsheets/d/1o2yA5FhH8Zw3XdHtIYDHY5n0fhM-aqhg/edit?usp=share_link&ouid=105561223841109098856&rtpof=true&sd=true
Tara na, let’s support registered and legitimate resorts while enjoying the beauty of Morong, Bataan! ✨



26/04/2026

Hello po! πŸ’™

Ang *Morong Bataan Beach Tour Guide* ay *information page lang* at *hindi po kami connected sa kahit anong resort* para sa bookings at payments.

*PAALALA PARA IWAS SCAM:* ⚠️

1. *I-verify muna* na kausap niyo ang LEGIT na page/number ng resort

2. *Wag mag-send ng pera* sa personal GCash/Name na hindi naka-pangalan sa resort

3. *Humingi ng official receipt* pag nagbayad

4. *Kung duda,* mag-walk in na lang o mag pm sa page para sa recommendation.πŸ™‚

*Hindi po kami mananagot* sa transactions na ginawa sa labas ng official channels ng resort.

Ingat po sa scammers! πŸŒŠπŸ’™

04/04/2026

MAGKAPATID NALUNOD SA MORONG, BATAAN.

Patay ang magkapatid na lalaki na may edad 17 at 18 na idineklarang dead on arrival sa pagamutan matapos malunod habang naliligo sa malalim na bahagi ng dagat sa Sitio Fuerte, Poblacion, Morong, Bataan ngayong Black Saturday.

Kinilala ang mga biktima na sina Christian, Grade 12 at Aries Oraje First year college student.

Ayon kay Police Col. Marites Salvadora, provincial director ng Bataan Police Provincial Office, kapwa residente ng Valenzuela City ang mga biktima.

Batay sa paunang ulat, magkasamang naliligo ang magkapatid sa mas malalim na bahagi ng dagat nang maganap ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng pangyayari at pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa paglangoy lalo na sa malalalim o hindi pamilyar na katubigan.

PHOTO | One Balita CL

02/04/2026

* ALERT*

SA FB PAGE PO KAYO NG MGA RESORTS SA MORONG, BATAAN MAKIPAG TRANSACTION. HUWAG PO SA MGA APP PARA MAKAIWAS SA MGA SCAMMERS.

01/04/2026

𝐎𝐩π₯𝐚𝐧 π‹π’π π­πšπ¬ π’π”πŒπ•π€π‚ 2026

Para sa mas pinaigting na kaayusan at kapayapaan, inilunsad ng Municipal Government of Morong katuwang ang iba’t ibang ahensya ang Oplan Ligtas SUMVAC 2026, upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng lahat ng residente at turista ngayong panahon ng bakasyon.

Mayroon po tayong mga stations sa buong bayan upang umalalay sa bugso ng tao ngayong bakasyon, lalo na ngayong linggo ng Semana Santa.

Narito ang mga numero para sa oras ng emergency.
πŸ“ž Emergency Hotlines:
β€’ Philippine Coast Guard – 0969-072-4729 / 0956-520-2515
β€’ Philippine National Police – 0998-598-5363
β€’ Bureau of Fire Protection – 0918-201-5230
β€’ Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – 0962-753-1977
β€’ Municipal Health Office – 0970-350-1286

Ang inyong kaligtasan ay aming prayoridad.

Tara na sa Morong β€” ang inyong kanlungan sa Kanluran. πŸ–οΈ




01/04/2026

𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 ππ”πŒπ€π‘π€πƒπ€ 𝐒𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ πŸš«πŸš—

Upang matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na daloy ng trapiko ngayong Holy Week (Miyerkules hanggang Linggo), mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada ng anumang uri ng sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa buong bayan ng Morong.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na gumamit lamang ng mga itinakdang parking areas at sumunod sa ipinatutupad na mga alituntunin sa trapiko.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa, kooperasyon, at pang-unawa para sa mas ligtas at maayos na biyahe ng lahat.



10/03/2026

Kindly 1 heart react and 1 share. Thank you for the support. πŸ’•

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Buendin Lhyn, Paul Salado, Nicole Paguio
21/02/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Buendin Lhyn, Paul Salado, Nicole Paguio

04/09/2025

PAALALA SA PUBLIKO
September 5, 2025 | 6 AM

DOUBLE RED FLAG ALERT – MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGLIGO AT WATER SPORTS

Isinailalim na ang mga baybaying-dagat ng Morong, Bataan sa DOUBLE RED FLAG STATUS.

Ang abisong ito ay bunsod ng epekto ng katamtaman hanggang malalakas na alon at mapanganib na kondisyon sa karagatan bunsod ng Habagat.

MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL:
Ang paglangoy o paliligo sa dagat
Anumang uri ng water activities gaya ng jetski, banana boat, at iba pa
Mapanganib ang kasalukuyang lagay ng panahon at alon.
Huwag ipagsapalaran ang inyong kaligtasan.
Ang sinumang lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa batas at mga ordinansa ng bayan.

Kami po ay nananawagan ng kooperasyon at disiplina mula sa lahat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Ipaabot po ang abisong ito sa inyong mga mahal sa buhay.
Ang kaligtasan ay pananagutan nating lahat.

Mula sa:
DRRMO - Morong, Bataan
Pamahalaang Bayan ng Morong, Bataan







Address

Morong
2108

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639465929186

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Morong, Bataan Beach Tour Guide posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category