22/08/2025
Hello mga ka-Kulto,
Movie season na naman, convert na lang natin itong page na ito as film, music at popculture critic page, lagay lang tayo mga mabibigat na words para legit. Pero straight to the point as a tamad na mga critics.
Bwena Mano natin icritic ang Some nights I feel like walking ni Direk Petersen Vargas, taray nag premiere night sa Isetann :) dami tuloy nabooking (tsarot).
Wala ng paligoy-ligoy pa para sa una nating review.
5 Bad things -
1. kasya talaga sa bag? (ano yun, bawal maspoil)
2. realistic pa ba ang simula sa wakas? (so little time so many things happenings eh)
3. malabo backstory ni zion, baka need pa ng detail konti. (pamysterious naman kasi ate, ano ba?sino ka ba talaga?)
4. kulang sa laman, kapos ang shot sa level ng vivamax, sayang sana winide shot yun. (if u know u know)
5. baka need pa Itawid ang reality sa dreams sa imagination sa totoong nagaganap sa buhay nila. (malabo kasi, may daydreaming, may flashback tas may panaginip, multiverse ang drama, buti na lang matalino tayo guys)
5 Good Things
1. Parang nabuhay ang F4 uli, Pinoy style, taga Quiapo edition, yung mga constru at tambay ang bet sila yon. (5star sarap to the bones dyan)
2. Ang sarap ng isang Uno sa buhay noh? Kaibigan, kapatid, kasangga at jowa? (P.s. Sarap ni Jomari Angeles, sabayan nyo itong magjogging sa bgc at up every 5pm)
3. Mala documentary ang peg, binuhay ang kwento ng Isetann at mga ganap sa cr, ang ganda ng takbo ng kwento, hindi monotonous pero hindi oa ang pagbabago ng plot. (need lang talaga dagdag clues para sa kateam namin na medyo mahina)
4. Ang daming symbolism, panaginip, bonfire, t-shirt, bus, yung fiesta sa plaza, yung mga bakla na may sariling party sa flotsam. Pili na lang kayo tas magpagpag after. (social realist ang atake, alam nila na may sarili silang espasyo-hindi sa plaza kundi sa elyu)
5. Cinematography - panalo, may alog, may steady, may wideshots, may tight shots, gamit lahat sa magandang paraan, ramdam mo ung mensahe sa bawat anggulo. (sana lang nagbabad pa sa mga eksena na may himala -tsar, bet ng isa naming ka team si Argel "wild constru" Saycon.
Recommendations:
Yung oras baka pwedeng ipakita para alam rin gaano na ba katagal sa loob ng bag. Wala lang baka lang need ng mga critical.
Yung cinematography - ang galing ng frame, yung bawat karakter, normal na may kakilala tayong ganun parati, so malalim sya pero relate ka pa rin. Ang ganda ng paghahabi ng kwento, at pagtatagpi, hindi ka aantukin, hindi ka rin malolost. Akala mo talaga puro lang sya libog, pero mas higit na malalim sya don, maniwala kayo sa akin.
All in all, konti pang x- rated scene pavivamax na, pero mas nakakaiyak sya. Akala mo payat lang ang kwento, pero andaming sinasabi ng mga tight shot ng mga mata-mata school of acting ng bawat bida.
Nakakalibog, nakakalungkot, nakakagising, nakakagutom, nakakanginig, nakakaiyak, nakaka pag isip.
Panoorin nyo ito at your own risk ah, mga 8.5/10 ang rating namin sa kanya, yung 1.5 siguro konti pang 'uncut' version.
P.s. Sana malabas pa sya sa maraming sinehan, sana marami pang makanood at makaunawa ng kanilang kwento.
So far, promising film, deserve mag 4weeks sa sinehan, pag hindi sayang naman ang pagsasama-sama naming mga alter nung premiere night dba?
Osya, ito, watch na simula sa Aug. 27 sa mga piling sinehan.