11/05/2021
Red flags in friendship:
1. The Filipino time, I know nakasanayan na ng lahat ng tao to, but please be honest sana. Wag nyo sasabihin na “paalis na ko” kung naliligo palang talaga kayo or nag reready. Wag nyo pag hintayin masyado yung kaibigan nyo ng halos isang oras. Tumupad tayo sa usapan and maging responsible.
2. Throwing jokes on the table na nakakasakit sayo, or sometimes binibring up yung past mistakes mo. Iwasan natin to, kasi kung satin joke lang yon sa kaibigan natin hindi. Be careful lang sa words, wag insensitive.
3. Backhand comment, yung compliment ka pero may halong pang iinsulto to make you feel bad about yourself.
4. Yung palaging may comment na negative. Yung palaging may comment sa mundo. Yung halos tingin nya sa paligid nya is panget, na wala ng nangyayaring maganda. Yung hindi nagawa ng action para maayos yung mga bagay bagay, puro lang complaints.
5. The insecure. Yung hindi masaya sa achievement mo or mga bagay bagay na meron ka na nagpapasaya sayo.
6. The kunsintidor. Eto yung tropa na alam na may jowa ka pero nirereto ka parin sa iba. Layuan mo yung ganto, hindi maganda kasama yung mga ganyan. Tandaan mo, yung partner mo ngayon sa hirap at ginhawa ka sasamahan.
Wag ka sumama sa pang gabi lang. Wag mo gagawin yon sa babae.
7. The “bigyan mo naman ako discount.” “pautang, parang di tropa.” “libre nalang, hina ko naman sayo.” Ang totoong kaibigan, susuportahan ka sa lahat ng bagay, hindi yung ilulubog ka. Business is business. Utang is utang.
8. The backstabber. Mga di masaya sa life. Yun lang.