26/04/2025
BABALA MULA SA DA-UNDERSECRETARY FOR ADMINISTRATION LABAN SA PANLOLOKO
May ilang gumagamit ng cellphone na maling nagpapakilala bilang Undersecretary for Administration ALLAN Q. UMALI gamit ang mga numerong:
+63 970 171 5979 at +63 962 531 3009
at humihingi ng pera, pabor, at iba pang bagay mula sa mga kontratista, supplier, at iba pang indibidwal.
Nilinaw ni Undersecretary Allan Q. Umali na hindi siya kailanman nanghingi o nagpahintulot ng anumang uri ng paghingi ng pera o pabor para sa anumang layunin, at hindi niya kailanman kukunsintihin ang ganitong uri ng gawain na sisira sa kanyang reputasyon, integridad, at imahe ng Department of Agriculture (DA).
Pinapayuhan ang publiko at lahat ng opisina na mag-ingat at huwag makipag-ugnayan o tumugon sa anumang uri ng kahilingan na ipinapadala sa ngalan ng anumang opisyal ng DA, dahil ito ay hindi awtorisado, labag sa batas, at dapat na balewalain.
Kung kayo ay makakatanggap ng ganitong uri ng panloloko o pagtatangkang pangingikil, agad itong ireport sa Office of the Undersecretary for Administration o Office of the Secretary sa mga numerong:
82942485, (02) 8928-8741 local 64 at (02) 8273-2474 local 2349 at 2350.
Maraming Salamat.
Disclaimer: ITO AY NANGGALING MISMO SA WEDSITE NG DEPARTMENT IF AGRICULTURE
https://www.da.gov.ph/da-sets-ambitious-2025-goals-to-boost-food-security-aid-farmers/