21/09/2026
AGA MUHLACH AT ION PEREZ, NAKIISA SA ATTCK UNRSTRKTD MONSOON SA NUEVA ECIJA
Mas naging masigla ang ginanap na ATTCK UNRSTRKTD Monsoon sa lalawigan ng Nueva Ecija noong Linggo, September 20, 2026, dahil sa pagdalo ng mga kilalang personalidad gaya nina Aga Muhlach at Ion Perez.
Sa kanilang mga Facebook posts, makikita ang kanilang suporta sa larangan ng cycling at sa pagsusulong ng sports tourism sa probinsya.
Layunin ng nasabing karera na subukin ang katatagan ng mga atleta at siklista, habang ipinapakita ang angking kagandahan at potensyal ng Nueva Ecija bilang isa sa mga pangunahing destinasyon ng sports tourism sa bansa.
Courtesy: Muhlach Aga, Ion Perez official / Facebook