
29/07/2025
Pasensya napo kung di po kami agad makapag reply sa inyo 🥹 wala padin po kami kuryente at mahina po ang internet sa amin ngayon..
Ang Lungsod ng Alaminos ay idinideklarang nasa State of Calamity. Huwag po kayong mag-alala, parating na ang tulong mula sa Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos.
Simula ngayon, tuloy-tuloy na ang pag-ikot ng mga team para sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong barangay.
Magsama-sama po tayo sa pagtutulungan at pagbangon.