15/04/2023
👇👇👇✈️✈️✈️
Sinimulan na ngayong Sabado, Abril 15, ang transition period ng paggamit ng e-Travel system para sa lahat ng mga pasahero sa mga paliparan na lalabas at papasok sa bansa.
Para sa inbound flights, ang pagpaparehistro sa e-Travel ay kinakailangan para sa lahat ng mga pasahero at crewmembers na papasok sa bansa.
Samantala, para sa mga outbound flight, tanging ang mga Pilipinong lalabas ng bansa ang kinakailang magparehistro.
Ang pagpaparehistro sa e-Travel website na https://etravel.gov.ph/ ay kinakailangang makumpleto 72 hanggang tatlong oras bago ang scheduled arrival o departure time upang makuha ang QR code na kinakailangan para makatuloy sa immigration.
Mahigpit na ipatutupad ang e-Travel system mula Mayo 1, na siyang magsisilbing single collection data portal ng pamahalaan.