H I K E R S & C L I M B E R S

H I K E R S & C L I M B E R S Hikers and Climbers

Modified Enhanced Community Quarantine mula bukas August 4, 2020 sa NCR at mga kadikit nitong probincia
03/08/2020

Modified Enhanced Community Quarantine mula bukas August 4, 2020 sa NCR at mga kadikit nitong probincia

Dahil bawal pa umahon ngaun...Dito muna tau napakalaking sawa nilamon ang isang malaking baboy
28/06/2020

Dahil bawal pa umahon ngaun...
Dito muna tau napakalaking sawa nilamon ang isang malaking baboy

Isang malaking baboy ang natagpuan sa tiyan ng isang malaking sawa. Kuha eto parting visayas philippines

RIP sa ipon natin na nakalaan sana sa ibang bagay peru nagastos dahil sa LOCKDOWN
26/05/2020

RIP sa ipon natin na nakalaan sana sa ibang bagay peru nagastos dahil sa LOCKDOWN

Have a Blessed Sunday Everyone! 🙂
02/05/2020

Have a Blessed Sunday Everyone! 🙂

Sana lahat ng LGU may sapat na pundo tulad ng sa GAPAN CITY
08/04/2020

Sana lahat ng LGU may sapat na pundo tulad ng sa GAPAN CITY

Sana lahat ng LGU may sapat na pundo. Mayor emeng pascual isa ka sa napakabuting mayor ng pilipinas pagpalin kapo. 1,000 sa la...

Brgy: Captain ng Aya Talisay batangasNagkagulo na sa 5-8k na ipamimigay
07/04/2020

Brgy: Captain ng Aya Talisay batangas
Nagkagulo na sa 5-8k na ipamimigay

Isang barangay captain ng brgy. Aya Talisay Batangas Ang umalma sa sinasabi ni sen. Allan cayetano Sa 5-8k sa bawat pamilya.

02/04/2020

Para maging malinaw sa lahat pakibasa

PRES. DUTERTE'S PUBLIC MESSAGE
April 1, 2020
_______________________________________
Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about the problem of COVID-19 pandemic. It is getting worse, so once again, I am telling you the seriousness of the problem, and that you must listen.

We are awaiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine, either from sino diyan na bright boy—China, Russia, America. I’m sure kapag mayroon na sila, they will share it with the rest of the world.

In the meantime, habang naghihintay tayo, marami hong problema na pumuputok na. Hirap na nga tayo, wala nang trabaho, walang negosyo, and there are people who try to mess up with ‘yung kakaunti nating [supply]. Ang ating supply, hanggang diyan lang ‘yan ‘yung inabot kasi hindi natin alam ganoon kabilis. In two days time, patay ka.

So, we are trying to manage na lahat magkaroon equally. Equally is a goal. Pera pati pagkain. [Kung ano] 'yung parte ko, parte mo [din] 'yan. Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa.

I'm addressing the left na 'yung pambabastos ninyo, slamming about the distribution. Remember, kayong mga left, you are not the government. Naiintindihan ninyo yan? Hindi kayo ang nasa gobyerno, and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation. Intindihin ninyo 'yan.

Kaya huwag kayong mag-gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos nawala na itong COVID. Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. We are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you.

Ngayon, kapag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa ibigay ko sa inyong luko-lokong kagaya ninyo na panggulo, ibibigay ko na lang sa matino pati nangangailangan. Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo. Kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin.

Tutal wala pa namang pagkain, kung gusto ninyo ng barilan, eh 'di sige. Kung gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.

My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na kapag ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead.

Kaysa manggulo kayo diyan, ilibing ko na kayo. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.

Ngayon, tinanggal ko sa politiko [and distribution] kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa politiko 'yung distibution ng pera pati ang bigas na pagkain. Binigay ko kay Sec. Bautista lahat na 'yan kasi itong DSWD may sariling distribution network na 'yan, 'yung Pantawid [Pamilya]. So, idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid [Pamilya]. Idagdag mo na lang ang pera na 'yan doon sa kanila kasi kanila 'yan. 'Yung pera na 'yan, inyo 'yan. Kaya lang hindi ko man maipagbigay lahat, and evenly, kami na sa gobyerno ang mag-distribute pati to determine how much.

Do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon niyan ngayon. Not this time. Ako mismo ang nagsasabi. Kasi 'yung iba, nagdi-distribute, kina-cutting. Instead of 7, gagawing 5 doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon, DSWD na. At 'yung pera, DSWD pati si Sec. Galvez. Naintindihan ninyo yan? Wala na kayong [politiko]pakialam. Tinanggal ko na politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired civilian na 'yan. 'Yung mga goods, bigas, kung ano pang iba ibigay ng gobyerno, bilisan ninyo at pagkain 'yan.

At mayroon tayo, sabi ko, mayroon tayong ginawang mga hakbang to sustain us, but only if there is order in the society. Kasi kapag magulo, walang order, walang distribution na mangyayari kasi inaagaw, ina-ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin huwag na huwag ninyong gawin 'yan kasi I will not hesitate to order to shoot you.

'Yun namang mga repacking, well, anyway, sa DSWD, but everybody else connected with the exercise of preparing the food and money, huwag ninyong kaltasan. Huwag ninyong kunan. I will not hesitate. Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makakalabas lang kayo pagkatapos ng COVID-19, kung dadating. Kung walang dumating na pangkontra ng COVID-19, then hanggang matapos itong mundong ito, diyan ka sa kulungan. 'Yan ang gusto mo. Nag-warning na ako, gagawin mo pa rin. Eh 'di gusto mo. Hiningi mo 'yan eh. Hiningi mo 'yan.

Ang pera dadating. Ang pagkain, darating. Huwag lang kayo magulo para smooth. sa bisaya, pahapsay. Ayaw pahadloka ang gobyerno. Do not intimidate government. Do not challenge government. Matatalo kayo. Sigurado. Magtiis na lang siguro kayo na delayed delivery, pero darating 'yan at hindi ka magugutom. Hindi ka mamamatay sa gutom.

Ito namang isa, itong mga trabahante--mga doktor, mga nurse, health workers, attendants and all-- hindi makauwi ng bahay. Tinatapunan ninyo ng kung ano-anong mga chemicals na nakakasira ng katawan. Mas una silang mamamatay kaysa doon sa pasyente ng COVID-19.

'Yung mga tao na gumagawa ng ganoon, I am ordering the police to go around. Huwag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo in tandem at maghanap kayo ng mga taong bastos, at kung mahuli mo, kung ano ang binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin sa kanya. Para tabla. Bakit, ikaw lang ba ang marunong? Eh 'di tikman mo rin ang ginagawa mo and see if it would make you happy.

Uulitin ko, do not. 'Yung mga doktor, p*******a, pagpunta mo doon sa ospital , 'yan ang doktor na binuhusan mo, 'yon ang gagamot sa iyo sa loob ng ospital.

'Yung mga front liners, huwag kayong mag-alala. I will support and defend you.

Uulitin ko, ngayon, DSWD na [ang distribution] kasi sanay na sila sa distribution ng pera pati bigas. Sec. Galvez will help in the distribution of the money, or he can handle the distribution of the money while leaving Sec. Bautista to attend to other matters.

'Yan ang warning ko sa inyo. 'Yung distribution huwag ninyong i-delay.

Sabi ko, mayroon akong pinakulong, kung nakinig kayo sa radyo. At 'yung sa TV, baka magkamali ako, baka lang magkamali ako, this is the caveat, baka magkamali ako. May nakita akong traffic enforcer na lumapit siya doon sa tricycle na puno ng goodies at pinilit niyang kinuha 'yung isang balot at lumakad siya. I don't know if it was a joke or it was really intended for him at inuna lang niya, pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw, nakita ko sa ABS-CBN at na-retrieve ko 'yung footage, ipakulong ko siya. Kasali din siya doon.

O, kayong mga Kadamay, wala nang awa-awa, diyan na kayo, ang nahuli. I will not tolerate na sabihin mo na bitawan mga politiko, bitawan. So not play hero at this time because you will abet or encourage people to violate the law. Now is the time to set an example to everybody.

Hindi kasi ako sanay na takut-takutin. Not me. Let this be a warning to all.

Follow government at this time because it is really critical that we have order. And do not harm the health workers, the doctors, and everything, because that is a serious crime. At sabi ko sa police, siguro bawal man 'yan, pero ako na ang sasagot, ibuhos mo ulit doon sa nagbuhos sa mga doctor pati nurse. O kung kaya mo, ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.

Maraming salamat po.

01/04/2020

COVID UPDATE: Isang ganap na batas na po ang BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT na nilagdaan ni President Duterte kagabi.

Narito po ang mga importanteng nilalaman ng nasabing batas:

1. MASS TESTING. Ipinag uutos ang agaran na pag accredit ng mga test kits at testing labs/ centers at malawakang testing ng mga PUIs and PUMs (inaasahang tataas pa ang bilang ng mga COVID positive dahil ngayon lang sila dadaan sa test!)

2. Sapilitan at agaran na pag isolate at pagbibigay ng karampatang treatment sa mga COVID positive. (bawal na pauwiin na lang o isama sa ibang pasyente na iba ang sakit).

3. PHILHEALTH coverage para sa lahat COVID-19 treatments (so sagot ng gobyerno ang bahagi ng gastos sa pagpapagamot ng mga nagka COVID-19).

4. Emergency subsidy na cash ang ibibigay ng gobyerno -- sa halagang mula P5,000 to P8,000 -- para sa lahat ng mga mahihirap na pamilya sa buong bansa (nasa mga 18 million low income households all over the country).

5. Special Risk Allowance para sa lahat ng public health workers at frontliners ng gobyerno. - bukod pa sa hazard pay na nauna ng ipinag utos na ibigay. (Hindi kasama ang nasa private sector. Yung mga employers sa private sector ang pinapakiusapan na magbigay na lang din voluntarily bilang incentive).

6. Cash compensation na halagang P100,000 sa lahat ng public and private health workers (frontliners) na magkakasakit ng COVID-19 habang naka duty, at karagdagang P1 million death benefit sa mga pamilya ng mga public and private health workers na mamamatay dahil sa COVID-19. (Ito ay retroactive kaya sakop yung mga namatay na frontliners mula Feb 1)

7. Pag lilinaw sa mga LGUs na kailangan nilang sumunod sa guidelines ng IATF at hindi nila puede dagdagan o baguhin ito. (Bawal na at may parusa na ang mga epal at matigas ang ulo na Mayors o governors o kapitan o sinumang public official na gagawa ng sarili nyang curfew o patakaran na taliwas sa guidelines ng IATF. Isa na lang po sked ng oras ng palengke at curfew sa buong bansa.)

8. Limited take-over power sa mga sumusunod na establishments (kung hindi susunod sa utos ng gobyerno at may proper compensation naman):

- private hospitals
- establishments for the purpose of housing health workers
- transportation for frontliners

(Wala na yung general take over ng anumang negosyo)

9. Paghihigpit sa batas laban sa hoarding, profiteering at panic buying. Pag uutos na agarang ilabas at gawing available sa publiko sa tamang halaga ang mga basic goods tulad ng food, clothing, medical supplies etc.

10. Pag tiyak na ang mga donation ng health products ay hindi delayed o nahaharang sa customs o sa daan / kalsada.

11. Agarang pagbili ng gobyerno (Priority procurement) at distribution ng medical goods tulad ng test kits, PPEs, medical devices (i.e. mechanical ventilators), at medicines (i.e. vaccines).

12. Pagbibigay ayuda o tulong sa mga COVID-19 referral hospitals (PGH, Lung Center, JRM, private hospitals with COVID 19 patients).

13. Pautang at mababang interest sa mga gumagawa o manufacturers/importers ng mga healthcare supplies.

14. Pagsasaayos ng mga panuntunan sa transportation at traffic (bawal na ang mga kanya kanyang checkpoint ng nga LGUs na walang coordination sa PNP at IATF).

15. Pagbibigay pahintulot at pagkilala sa work from home scheme at iba pang alternative work arrangements para sa government at private sector (may suweldo kahit nasa bahay basta may ginagawang trabaho)

16. Additional budget mula sa Executive Department para sa DOH, UP PGH, calamity fund, DOLE for the displaced workers, DTI Livelihood Seeding Program, DA Rice Farmers Financial Assistance, DEPED School Based Feeding Program, DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations, LGUs, Quick Response Funds.

17. Pag utos na gamitin ang Special Purpose Funds (pork barrel ng mga Congress men / women at mga senador) para sa COVID-19 response.

18. Pag extend ng mga statutory deadlines sa filing ng anumang legal document na hinihingi ng gobyerno (gaya ng income tax, real property tax, permits, etc.). Lahat yan puede i-file after na ng quarantine period.

19. Moratorium sa lahat ng pautang galing sa gobyerno o kahit private lender — including personal, housing, motor vehicle, credit cards falling due within the period of quarantine for a minimum of 30 days without penalties, interests and other fees (so pwedeng di muna magbayad ng utang for 30 days).

20. RENT FREEZE for 30 days without penalties, interests, and other fees (ok lang di muna magbayad ng upa o renta sa bahay o puwesto ng negosyo sa loob ng 30 days)

21. Papatawan ng parusa ang mga lalabag sa batas na ito — kabilang ang mga LGU officials na matigas ang ulo, yung mga gumagawa ng sariling patakaran na taliwas sa itinakda ng IATF, pati yung mga ayaw sumunod sa quarantine, curfew, batas laban sa panic buying, hoarding, profiteering, yung mga landlord na maniningil pa din o yung mga nagpa utang na maniningil sa panahon ng quarantine —- at yung mga nagkakalat ng FAKE NEWS. Maari silang patawan ng parusang pagka kulong ng two months o multa (fine) of not less than P10,000 but not more than P1 million.

KAYA HINDI NA PO KAILANGAN GUMAWA NG KANYA KANYANG ORDINANSA NG MGA LGU.

22. CHECK AND BALANCE. Kailangan i-Report ng Executive sa Congress ang lahat ng pondo na gagastusin at anumang realignment of funds every Monday of the week.

23. LIMIT NG EMERGENCY POWERS. ang mga kapangyarihan na ibinigay sa Pangulo ng batas na ito ay may bisa lamang sa loob ng “3 months, unless extended by Congress".

PAMPAGOOD VIBES muna Tawa muna tayo! 😂😂😂  Keep safe everyone!
30/03/2020

PAMPAGOOD VIBES muna
Tawa muna tayo! 😂😂😂


Keep safe everyone!

Address

Parañaque
1700

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when H I K E R S & C L I M B E R S posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to H I K E R S & C L I M B E R S:

Share

Category