07/11/2025
10 Dapat Gawin Bago Tumama ang Super Typhoon
1. I-secure ang Bahay
Higpitan ang bubong, yero, pako, at tornilyo.
Itali o tanggalin ang anumang maaaring liparin ng hangin gaya ng paso, antena, at trapal.
2. Maghanda ng Emergency Bag (Go Bag)
Isama ang:
Flashlight
Powerbank
Radyo na may baterya
Gamot
First Aid kit
Identification Card
Cash (dahil maaaring walang ATM o signal)
3. Mag-imbak ng Tubig at Pagkain
Tubig na pang-inom na tatagal ng hindi bababa sa 3 araw.
Delata, noodles, biscuit, bigas, energy food.
4. I-charge Lahat ng Gadget
Cellphone
Powerbank
Rechargeable fan / ilaw
Siguraduhin may extra batteries.
5. Linisin ang Alulod, Kanal, at Paagusan
Tanggalin ang bara para maiwasan ang biglaang pagbaha.
6. Ilipat ang Sasakyan sa Mataas na Lugar
Iwasan ang kalsada at lugar na madalas bahain.
7. Maghanda ng Malinis na Damit at Kumot
Ilagay sa waterproof bag para hindi mabasa.
8. MAG-EVACUATE NANG MAAGA Kung Ikaw ay Nasa Tabing-Dagat o Malapit sa Ilog
Huwag hintayin ang malakas na hangin o pagtaas ng tubig.
Ang storm surge at biglaang pag-apaw ng ilog ay napakadelikado.
Sundin ang payo ng barangay o LGU – umalis habang may oras pa.
9. I-secure ang Mahalagang Dokumento
Ilagay sa ziplock o waterproof folder ang:
IDs
Birth certificates
OR/CR
Insurance papers, land/title documents
10. Makinig sa Balita Mula sa Official Sources
PAGASA, LGU announcements, at NDRRMC updates.
Iwas fake news sa social media.
---
Pinakaimportante:
Kapag sinabing EVACUATE, UMALIS AGAD. Mas mahalaga ang buhay kaysa kahit anong ari-arian.