23/10/2026
https://www.facebook.com/share/p/1CCgYTGJNg/
𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: 𝟰𝟵𝗧𝗛 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗜𝗧 (𝗡𝗢𝗩𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟭𝟲–𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲)
Kaugnay ng gaganaping 49th ASEAN Summit, magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada at pagbabago sa daloy ng trapiko sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at Cultural Center of the Philippines (CCP).
𝗜𝗦𝗞𝗘𝗗𝗬𝗨𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔:
Oktubre 24 – Nobyembre 9, 2026: Bahagyang pagsasara ng mga kalsada (Partial Road Closure).
Nobyembre 9 – 20, 2026: Ganap na pagsasara ng mga apektadong kalsada (Total Road Closure).
𝗠𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔:
Pinapayuhan ang lahat ng motorista at commuter na iwasang dumaan sa Macapagal Boulevard, World Trade Center area, Diokno Boulevard, at ilang bahagi ng Roxas Boulevard dahil sa inaasahang matinding trapiko na maaaring magdulot ng pagkaantala sa biyahe.
𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗟𝗔𝗡𝗘 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬:
Bilang bahagi ng mga paghahanda at hakbang sa seguridad para sa 49th ASEAN Summit, ang mga itinalagang Bus Lane ay pansamantalang gagawing ASEAN Lane upang bigyang-prayoridad ang pagdaan ng mga opisyal na sasakyan at delegasyong kalahok sa nasabing pagtitipon.
Upang maiwasan ang abala, mahalagang maglaan ng sapat na oras sa pagbiyahe, gumamit ng alternatibong ruta, at sumunod sa mga tagubilin ng mga awtorisadong tauhan.
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢:
Ang mga empleyadong nagtatrabaho sa loob ng mga apektadong lugar ay maaaring payagang makapasok o makadaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang valid Company ID, alinsunod sa mga ipatutupad na patakaran sa seguridad.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.