26/08/2026
“Bakit hindi agad naibabalik ang ₱1,000 security deposit pagkatapos mag-check-out?” 🤔
Isa ito sa mga bagay na magandang maintindihan nating mga guests at hosts.
Kapag nag-check out ang guest, hindi ibig sabihin na automatic nang okay ang unit at puwede nang i-release agad ang security deposit. May due process muna—at ginagawa ito para maprotektahan ang parehong guest at host.
Ano ang ginagawa muna pagkatapos ng check-out?
1. Unit inspection muna.
Chine-check kung maayos ang buong unit at kung may naiwan o nasirang gamit.
2. I-test ang appliances.
Hindi sapat na nakikita lang nating malinis at maayos ang unit. Kailangan ding i-check ang TV, aircon, refrigerator, microwave, rice cooker, electric stove, at iba pa.
3. Huwag kalimutan ang maliliit na bagay.
Kasama rito ang mga ilaw, shower heater, bidet, switches, locks, remote controls, at iba pang madaling ma-overlook.
4. Example: TV.
May naging situation na mukhang okay naman ang TV noong unang tingin. Pero nang buksan at i-test, saka nakita na may malaking crack pala ang LCD.
Kung na-release agad ang security deposit nang hindi na-inspect, sino ang magiging liable? Usually, mahirap nang malaman kung kailan nangyari ang damage.
Kaya sa amin, ang ₱1,000 reservation fee/security deposit ay refundable, pero subject to unit inspection. Hindi ito ibig sabihin na kinukuha namin ang pera ng guest.
We allow up to 24 hours after check-out para ma-inspect nang maayos ang unit bago ma-process ang refund.
As hosts, hindi rin naman natin kayang nasa bawat unit agad-agad pagkatapos ng bawat check-out. Marami tayong inaasikaso—bookings, cleaners, maintenance, incoming guests, at iba pa.
At para naman sa mga guests, kung sakaling makalimutan ng host na ma-process ang refund, okay lang mag-follow up. Pero let’s do it with kindness and respect. 🤍
For guests:
Security deposit is not automatically forfeited. It is refundable, subject to inspection and applicable deductions if there are damages or violations.
For hosts:
Huwag magmadaling mag-release ng security deposit. Inspect first, document properly, then refund.
At the end of the day, parehong may responsibility ang guest at host na mapanatiling maayos, safe, at fair ang staycation experience.
Guest ka man o host—alam mo ba ito?
Share this post para mas maraming matutong mag-staycation responsibly. 🏡