25/10/2025
📍2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY
Oktubre 25, 2025
Barangay Sta. Maria
Isang mapagpalang gabi po sa lahat!
Sa ngalan ng Sangguniang Barangay ng Sta. Maria, lubos po kaming nagpapasalamat sa bawat isa sa inyong pagdalo at pakikiisa sa ating 2nd Semester Barangay Assembly. Ang inyong presensya ay patunay ng patuloy na malasakit, pakikilahok, at pagkakaisa ng buong pamayanan para sa ikauunlad ng ating barangay.
Isang taos-pusong pasasalamat sa ating Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), Sir Carlo M. Cruzado, sa kanyang paglalaan ng oras upang makasama natin sa araw na ito at sa pagbabahagi ng makabuluhang pananalita na nagsilbing inspirasyon sa ating lahat.
Gayundin, isang maalab na pasasalamay sa ating Punong Bayan, Kgg. Rodel Magsino, at Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Aristeo Baldos, sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating Punong Barangay at sa mga proyekto ng ating pamahalaang pambarangay. Ang kanilang tunay na malasakit sa mga mamamayan ng Sta. Maria ay nagbibigay-daan upang maisakatuparan ang mga programang nagdudulot ng pagbabago at pag-unlad sa ating komunidad.
Lubos din nating pinasasalamatan ang ating masipag at dedikadong Punong Barangay, Kgg. Jesus L. Marciano, sa kanyang patuloy na pagpupunyagi at pagiging inspirasyon sa buong Sanggunian. Sa kanyang masigasig na pamumuno, nararating natin ang mga adhikain tungo sa mas maayos, malinis, mas ligtas, at mas progresibong Barangay Sta. Maria.
Hindi rin natin makakalimutang pasalamatan ang buong Sangguniang Barangay at ang SK Chairman, sa kanilang aktibong partisipasyon, walang sawang pagtutulungan, at gabay sa bawat proyekto at aktibidad na isinasagawa para sa kapakanan ng lahat.
Isang espesyal na pasasalamat din sa ating mahusay na Ingat-Yaman, Gng. Babylyn R. Mendoza, sa maayos na pagdaloy ng ating programa.
Gayundin, isang malaking pagkilala sa ating mga appointed officials, BHWs, BNS, barangay tanod, at Lupong Tagapamayapa, sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod—mula sa pagbibigay ng seguridad, pag-asiste sa mga mamamayan, hanggang sa maayos na paghahanda ng pagkain at maging sa paghahanda ng simpleng biyayang handog ng Buong Sanggunian. Ang inyong kababaang-loob at malasakit ay tunay na kalakasan ng ating barangay.
Higit sa lahat, ang pinakamalaking pasasalamat ay para sa ating mga mamamayan ng Barangay Sta. Maria, na patuloy na nakikibahagi, nakikinig, at nakikiisa sa mga tinalakay at layunin ng ating asembliya. Ang inyong partisipasyon ang siyang inspirasyon at dahilan ng bawat tagumpay ng ating pamahalaang pambarangay.
Nawa’y naging makabuluhan ang ating pagtitipon ngayong araw—puno ng aral, pagkakaunawaan, at pagkakaisa. Hiling po ng buong Sangguniang Barangay ang inyong tuloy-tuloy na suporta at kooperasyon para sa patuloy na pag-unlad at tagumpay ng ating minamahal na Barangay Sta. Maria.
Maraming, maraming salamat po, at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Poong Maykapal.
Mabuhay po ang Barangay Sta. Maria!
Mabuhay po tayong lahat!