09/07/2021
Lesssgoooo naa!!!🌴🌊😍
El Nido na
EL NIDO, TATANGGAP NA NG MGA TURISTA
Bukas na ang bayan ng El Nido para sa mga bakasyunistang mula sa loob at labas ng Palawan simula ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Assistant Information Officer Jasper Clarence Valenzuela sa panayam ng Radyo Bandera.
Aniya, tatanggap na ang mga ito ng mga grupo’t indibidwal na ang punta sa El Nido ay para mamasyal.
Kinakailangan lamang maipakita ng mga turista ang mga requirement na hinihingi ng munisipyo.
Para sa Palawan-based tourist o mga nagmula sa mga munisipyo sa lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa, kailangan lamang makipag-ugnayan sa Municipal Tourism Office, mayroong negative antigen test result na epektibo lamang ng 24 oras at may booking & reservations sa mga DOT accredited hotels and establishement.
Sa mga turistang nagmula naman sa labas ng Palawan, kailangan ng negative RT-PCR test result, S-pass travel application, may booking & reservations sa mga DOT accredited hotels and establishement, at ‘exclusive’ ang transportation mula sa kanilang mga hotel na pansamantalang tutuluyan.