08/03/2020
DISCLAIMER: MAHABA ITONG POST PERO MAKAKATULONG ITO SAYO KUNG GUSTO MONG MAKAKUHA NG AIRFARE SEAT SALE.
TIPS ON HOW TO AVAIL THE PROMO AIRFARE:
1. KNOW THE UPCOMING PROMOS. Be updated kung kailan naglalabas/maglalabas ng promo ang mga airlines. You may like and follow our page para maging updated πβΊοΈ
2. PLAN AHEAD. Set your travel date and destination bago pa mag seat sale. Planuhin in advance, atleast 6 months dapat ang travel date. Maganda na alam mo na agad ang gusto mo. βοΈπβοΈ
3. PREPARE. Ready your budget before the sale, dapat handa ka ng maglabas ng pera. Ihanda din ang mabilis na internet, fiber is the key! πͺ
4. GAME. At the exact date ng sale booking period, mag abang kung gusto mo talagang makakuha ng promo fare. But expect na madami kayo, so parang end game ang waiting. Dadalhin ka muna sa isang queuing area bago ka makapaghanap ng airfare. Pahabain ang pasensya (dapat isa din ito sa kailangan mong paghandaan) π
5. BOOK. Pag nakita mong naka-sale ang travel destination at date na gusto mo, I-BOOK mo na AGAD. Huwag ng magpatumpik tumpik pa! Tandaan, madami kayong naghahanap. Pag naunahan ka ng iba, sorry ka na lang. π€
6. BE FLEXIBLE. Hindi ito yung flexible na i-bbend mo ang katawan mo ah. Kung hindi naka-sale ang napili mong travel date, be flexible to choose other dates. Nauunang maubos ang PEAK SEASONS gaya ng WEEKENDS, SUMMER MONTHS at DECEMBER. π§
7. GO BACK TO NUMBER 5, BOOK. Pag may nakita ka ng murang airfare sa susunod na napili mong araw, i-BOOK mo na besh. Baka maunahan ka ulit.
TANDAAN:
- LIMITED SEATS lang ang promo ng mga airlines. Kumbaga, kung may 200 na upuan ang eroplano, ilan lang dyan ang ilalabas nila na promo seats. Kung lahat ng upuan naka-promo, baka nagsara na ang airlines sa sobrang lugi ng negosyo.
- Ang PISO FARE promo ay base fare lamang. Wala pa ang mga taxes and fees tulad ng Fuel surcharge, Passenger Service charge, Aviation Security fee, VAT, administrative fee, etc. Walang pamasahe sa eroplano na PISO lang ALL IN. Sa tricycle nga hindi ka makakasakay sa halagang PISO.
- PROMO AIRFARES are LEGIT. Nakabiyahe ako ng:
Manila to Singapore sa halagang 3,500 pesos Round trip
July 2018 ako nag book, February 2019 ako umalis.
Manila to Davao sa halagang 1,500 roundtrip
March 2019 ako nagbook, October 2019 ako umalis
Manila to Caticlan sa halagang 2,000 roundtrip
March 2019 ako nagbook, February 2020 ako umalis
At madami pang iba. Pero syempre select dates and travel destination lang ito (NOT ALL DESTINATIONS NAKA-SALE), depende sa ilalabas ng airlines na promo. At pag late ka nagbook, wag ng umasa sa ganyan kababa na presyo. Madami tayong kalaban dito. FIRST COME, FIRST SERVE BASIS.
- Magpa-book ng MAAGA. Kung balak mong umalis o umuwi ng summer next year, magpa-book ka na THIS YEAR pa lang kung gusto mo ng murang airfare. STEP NUMBER 2. PLAN AHEAD. The more na mas malapit ang travel date mo, EXPECT NA MAHAL na ito.
Nawa'y makatulong ang mga tips na ito sa iyong susunod na biyahe.
Oo nga pala, you may like and follow our page as we always post promo airfares. STEP 1 :)
Kung kailangan mo ng tutulong saiyo para makakuha ng murang airfare pag may SEAT SALE, PM is the KEY ππ