03/06/2026
Congratulations! Our snappy salute to you 🫡
Ang Bulacan Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-in-Charge, ay patuloy na nangunguna sa iba't ibang larangan ng police operations, kabilang ang kampanya kontra ilegal na droga, pag-aresto sa mga wanted person, operasyon laban sa loose fi****ms, at pagsugpo sa smuggling.
Muling pinatunayan ng Bulacan PPO ang kahusayan at dedikasyon nito sa pagpapatupad ng batas matapos makamit ang Rank No. 1 sa PPOs/CPOs Accomplishment Report para sa buwan ng Mayo 2026, na may kabuuang 87.22% overall rating.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, disiplina, at walang sawang paglilingkod ng bawat miyembro ng Bulacan PPO, katuwang ang mga komunidad at iba pang stakeholder. Nananatiling matatag ang aming pangako na maghatid ng de-kalidad na serbisyo, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at higit pang paigtingin ang mga programang naglalayong protektahan ang mamamayan ng Bulacan. Serbisyong may integridad, malasakit, at kahusayan — Bulacan PPO, nangunguna sa paglilingkod.