
04/08/2025
REGULAR FLAG RAISING CEREMONY
Bilang pagsalubong sa buwan ng Agosto, pinangunahan ng Public Market and Slaughterhouse Office, sa pamumuno ni Public Market Supervisor III Gil L. Sales, ang regular na pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Lokal ng Sariaya. Ibinahagi ni G. Sales ang Word and Values of the Week na "Accountability", aniya:
“Sa teamwork natin bilang public servants, tayo ang salamin ng gobyerno; kapag maayos ang trabaho natin, taas-noo ang mga taong pinaglilingkuran natin. Kaya’t sa bawat araw ng serbisyo, tandaan natin: tiwala ang puhunan, at accountability ang susi upang ito’y mapanatili.”
Sinundan ito ng isang presentasyon sa pamamagitan ng pag-awit na handog ng kanilang himpilan.
Nagbigay rin ng pasasalamat at mensahe ang butihing Ina ng Bayan, Mayor Marivic T. Gayeta, kung saan binigyang-diin niya ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa pagbibigay-serbisyo sa publiko. Aniya:
“Tungkulin din natin maging ehemplo ng malasakit at disiplina sa bawat araw ng ating pagseserbisyo. Ang paninindigan ay kaakibat ng integridad—ang paggawa ng tama kahit walang nakakakita.”
Kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, pinakilala ni Dr. Jayson Rivera ang mga bagong Junior Officials ngayong taon upang ipakita ang kanilang tapang, talino, at tibay ng loob na handang magsilbi, mamuno, at magbigay-inspirasyon.
Opisyal ring pinasimulan ang Buwan ng Family Planning 2025, na may temang:
"Panalo ang Pamilyang Planado! Tara, Usap Tayo sa Family Planning."
Layunin nito ang paigtingin ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng family planning bilang bahagi ng reproductive health at karapatang pantao.
Kaalinsabay nito ang National Lung Month 2025, na pinagtibay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1761, s. 1978, upang itaguyod ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga sakit sa baga tulad ng TB, pneumonia, COPD, asthma, at iba pa.
Bago matapos ang programa, binigyang-pagkilala ng Sariaya MPS, sa pamumuno ni PLTCOL JEZREEL L. CALDERON, sina Punong Barangay Menandro R. Biscocho (Brgy. Lutucan Malabag) at Mr. Herald Samm P. Neda (CEO - Quezon Rehabilitation Center) para sa kanilang walang sawang suporta sa Sariaya Municipal Police Station—isang patunay ng mahalagang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad.
Mayor Marivic Gayeta
Mayor Marivic T. Gayeta
Sangguniang Bayan ng Sariaya
MTO Sariaya
Sariaya Pulis
Sariaya RHU
Office of the Mayor - LGU Sariaya
Office of the Municipal Administrator - Sariaya
HRMO Sariaya
PESO Sariaya
Office of the Municipal Budget Officer Sariaya
MISTU Sariaya
Gso Sariaya
MPDC Lgu Sariaya
Municipal Engineering Office - Sariaya
Accounting Sariaya
Bplo Sariaya
Agriculture Sariaya
LCRO Sariaya
Mdrrmo Sariaya Quezon
Menro Sariaya
Mswdo-Sariaya
SWS - Sariaya
Sariaya Municipal Cooperative Development Office
MGAD Sariaya
Sariaya Tourism Culture and the Arts Office
Sariaya Municipal Assessor
Radyo Kaisahan 107.7 FM - Sariaya, Quezon