17/02/2025
Malugod na tinanggap ng LGU Rizal sa pamumuno ni Mayor Atty. Joel A. Ruma at Vice Mayor Atty. Brenda B. Ruma at ang opisina ng Tourism sa pamumuni ni Mr. John Frey Bauag ang Tourism Officer ng Cabagan, Isabela sa pamumuno ni Ms. Joylyn Dayrit at kanyang mga staff.
Ang pagbisita ay isang patunay na ang turismo ng Bayan ng Rizal ay umuunlad at patuloy ang pakikipag tulungan sa mga karatig bayan upang mas makilala pa ang mga magagandang yaman ng bayan. Bumisita ang mga panauhin upang alamin ang kwento ng pinag mamalaki nating Biuag and Malana at ang ating preservation of culture and the arts sa ating bayan. Binisita din nila ang ating National Treasure na Simbahan at naibahagi sakanila kung ano ang mga programa ng ating LGU upang mapanatiling maganda ang simbahan.
Nagkaroon din ng pagkakataon upang ibahagi sakanila ang tungkol sa Padekat Festival at ano ang mga ginagwa nating mga aktibidad para sa festival na kasali sa culture and the arts.