15/03/2025
👊
Diin ni Atty. Bondoc: 'Walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas'
Pinanindigan ni PDP Laban Senate bet #10 Atty. Jimmy Bondoc na walang karapatan na panghimasukan ng International Criminal Court (ICC) ang bansa.
"Hindi po si Duterte lamang ang pinaglalaban, kundi ang kasarinlan ng Pilipinas. Kung ang karagatan at mga isla ay pinaglalaban natin, patas natin dapat na pinaglalaban ang sarili nating piskalya at hukuman," ani ni Atty. Bondoc kahapon, Marso 11, 2025 sa isang Facebook post.
"Wala pong Jurisdiction ang ICC. Wala pong "grey area." Walang jurisdiction ang ICC," diin niya.