ROMBLON, the MAGNIFICENT

ROMBLON, the MAGNIFICENT Romblon is an archipelagic province with 7 major islands & 20 islets. Pristine rivers, beaches sandbars, waterfalls, and many more.

Come and discover Romblon, the Magnificent

26/07/2024

TURISMO AT TRABAHO

Bukid na mumunti, ani'y di gaano.
Bangka na maliit, huli'y di mapiho.
Ating itaguyod programang turismo
upang makalikha ng laksang trabaho.

Napili kamakailan ang Bonbon Beach sa Romblon, Romblon bilang isa sa World's Top Beaches for 2024. Ang karangalang natamo ay nagbigay ng ibayong sigla sa mga Romblomanon na kasalukoyang nagsisikap ng masinsinan upang pagyamanin ang industriya ng turismo sa lalawigan.

Ang Romblon ay isang arkipelago na binubuo ng pitong malaki-laking isla at napakaraming malilinggit na pulo. Pagsasaka at pangingisda ang tradisyonal na pinagkikitaan ng maraming mamamayan nito. Maliban sa marmol, halos walang umiiral na iba pang industriya sa lalawigan.

Karamihan ng pangangailangan ng mga Romblomanon ay inaangkat sa labas -- partikular sa Mindoro, Panay at Luzon. Kasama na rito ang grocery items, construction materials at mga panindang pangperyante. Umaangkat rin ang Romblon ng bigas, mga gulay at maging mga lamang dagat lalo na ang tahong, alamang at pinatuyong isda.

Sa kabilang banda, kakarampot lamang ang inieksport ng lalawigan -- ilang toneladang marmol, ilang sako ng copra, ilang styrofoam ng isda, ilang kaing ng Indian mango, ilang ulo ng mga hayop, ilang balot ng tinapay, at halos wala na.

Kaya't panay palabas ang daloy ng pera, bihira ang daloy pabalik. Nababalanse lamang ang daloy ng salapi dahil sa samo't saring uri ng kaperahan na nanggagaling sa gobyerno at dagdag rito ay ang mga padala ng OFWs pati mga kamag-anak sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Walang masyadong maasahan sa pagsasaka ang mga Romblomanon. Maliit ang land area ng Romblon at malilinggit ang sukat ng mga bukid. Kahit pa halimbawa maging napakaproduktibo ang kabukiran, iilang mga mamamayan lamang ang makakapagtrabaho dito.

Gayondin sa pangingisda. Kalimitang maliliit ang sukat ng mga bangkang pangisda sa Romblon. Hindi ito sapat upang magbigay ng trabaho at kasaganaan sa maraming pamilya.

Dahil walang gaanong mapagkakakitaan sa Romblon, maraming mga Romblomanon ang nakikipagsapalaran sa ibang lugar pati na sa ibang bansa kasama na ang Middle East, America at Europa.

Sa kasalukoyan, may malawakang konsensus ang mga Romblomanon na samasamang pagsikapang paunlarin ang industriya ng turismo sa lalawigan. Ito ang isang napiling paraan upang mapasigla ang mga negosyo, makalikha ng maraming trabaho, at mapatatag ang ekonomiya ng Romblon.

-- JRMR / Odiongan, Romblon / 23 Hulyo 2024

πŸŒ·πŸŒΊπŸ’ πŸŒΌπŸ€πŸ’πŸŒˆπŸ’πŸŒΉ

Related posts:

PRES. MARCOS, BIBIGAY NG TULONG PINANSYAL SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG ROMBLON
https://banderapilipino.websites.co.in/.../pres.../2635965

77 BENEFICIARIES NG FERROL AT ODIONGAN BINIGYAN NG BURIAL & MEDICAL BENEFITS
https://banderapilipino.websites.co.in/.../77.../2627116

12/07/2024

ILAN BANG ISLA TALAGA MERON ANG ROMBLON?

Romblon which is composed of seven major islands and numerous islets. The National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) peg the total number of islands and islets at 158; but according to local researcher Isidro Rey Robis, it could be as many as 383 including named and unnamed rock islets.
(Excerpt from my write-up titled Biniray sa Suba)

Meron ring part-time isla, depende kung high tide or low tide. At dalawang klase yan -- yong part-time isla na lumilitaw lamang kung low tide (kc nakalubog pag high tide) at yong part-time isla na nagiging isla lamang pag high tide (kc pag low tide connected sya sa mainland).
(My comment to a comment in a post by Isidro Rey Robis)

08/07/2024

PREVIOUS TOWN CENTERS:
* Odiongan from Cota.
* San Fernando from Azagra. * San Agustin from Cabolutan.

MGA ROMBLOMANON SA DUBAI, NANGAKONG TUTULONG SA TURISMO NG LALAWIGAN"Romblomanons in Dubai promise to promote our touris...
28/06/2024

MGA ROMBLOMANON SA DUBAI,
NANGAKONG TUTULONG SA TURISMO NG LALAWIGAN

"Romblomanons in Dubai promise to promote our tourism industry," ito ang pahayag ni Jonathan Gaytano, chairman ng committee on tourism sa bayan ng Looc.

Ayon kay Jonathan, nagkitakita sa Dubai kagabi -- ika-27 ng Hunyo 2024 -- ang mga opisyales ng ating lalawigan at ang mga Romblomanon na nagtatrabaho o naninirahan sa lugar na yon.

Sa larawang ibinahagi ni Jonathan, makikita sina Congressman Budoy Madrona, Governor Jose "Otik" Riano, Vice Governor Armando "Arming" Gutierrez at Mayor Lisette Medina Arboleda kasama ang mga tagaLooc na nagtatrabaho sa Dubai.

Priority program ng Riano administration ang turismo. Itinalaga ni Gov Otik si Vice Gov Arming na tourism tsar para mapabilis ang proseso. Si Cong Budoy naman ang kasalukoyang chairman ng committee on tourism sa Konggreso. Ang ating 17 munisipyo -- kasama na ang LGUs at pribadong sektor -- ay masiglang nagpapaligsahan sa pagdebelop ng turismo sa kani-kanilang lugar.

Maliban sa pagiging konsehal, may-ari rin si Jonathan ng Groto de Banloc sa Looc at La Grande Shores Beach Resort sa Santa Fe. Siya rin ang matatawag na Magellan ng Guimpasilan islet na gawin itong isang tourist attraction.

Noong nakaraang Martes, isang roving composite team mula sa provincial government sa pangunguna ni Marie Tehani Hernandez ay dumalaw sa Guimpasilan pati na ang pamosong fish sanctuary ng Looc, Poseidon Hotel, Villa M at Baladjay Restaurant.

Lizette Mortel Lisette Arboleda Benedick R Riano Sandi Rodenas MC Ziur Ryan Joseph Marzonia Sy Danton R. Arevalo Rollie Lachica B**g Sulit Jay Formilos BJ Alcoran Lou Chie Allandale Famero

Address

Romblon
5502

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ROMBLON, the MAGNIFICENT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ROMBLON, the MAGNIFICENT:

Share