
14/06/2024
Reminder fellow beach lovers. 📣📢📣
ANUNSYO SA PUBLIKO | MASA 24
Pansamantalang ipagbabawal ang anumang gawain sa tabing baybayin gaya ng pangingisda at pagsakay sa anumang sasakyang pandagat gaya ng Banana Boat at iba pa sa Hunyo 15, 2024 mula ika-6 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon upang bigyang daan ang pagdaraos ng Marine Aviation Support Activity 2024 at maiwasan na din ang anumang sakuna o disgrasya habang ginaganap ang MASA2024.
Ang pagligo sa tabing-baybayin ay papayagan. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.