21/09/2026
Isang makabuluhang lakbay aral para sa mga mag-aaral ng Claret School of Quezon City sa kanilang pagbisita sa San Jose del Monte New Government Center. Nasaksihan nila ang aktuwal na pagdinig ng Sangguniang Panlungsod, nalaman ang pangunahing mandato ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Maraming salamat sa JunMar Educational Tour sa pagdala ng mga bisita sa lungsod ng San Jose del Monte at sa patuloy na pagtulong sa pagsusulong ng ating lungsod bilang isang educational tourism destination.
Ang mga ito ay isa sa mga pangunahing proyekto ni Punong Lungsod Florida P. Robes na pasiglahin ang turismo ng Lungsod ng San Jose Del Monte.