19/08/2026
Mga hibla ng kultura, kaalaman, at tradisyon ay patuloy na pinayayabong sa Weaving Training na isinagawa sa Brgy. Naibuan, San Jose, Occidental Mindoro para sa ating mga katutubong Mangyan.
Hatid ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Gobernador Eduardo B. Gadiano, sa pamamagitan ng Provincial Tourism, Culture and the Arts Office (PTCAO) sa pangunguna ni Bb. Lucille A. Bico, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng San Jose, sa pamumuno ni Punong-bayan Rey C. Ladaga, sa pamamagitan ng Municipal Tourism, Culture and the Arts Office (MTCAO) sa pangunguna ni Bb. Ann Roxanne De Vera-Rodrigo.
Layunin ng pagsasanay na higit na mapalakas ang kasanayan sa tradisyunal na paghahabi, mapahusay ang mga produkto, at makapagbukas ng karagdagang oportunidad sa kabuhayan.
Bilang isang complementary project, isa rin itong hakbang upang higit na malinang ang kakayahan ng mga Mangyan weavers, mahikayat ang pag-usbong ng mga bagong maghahabi, at maitaguyod ang kanilang kultura at mga likha. Kalakip din ng programa ang pagkakaloob ng labing-isang handloom sa mga maghahabi upang higit silang mabigyan ng oportunidad na magkaroon ng kabuhayan habang pinangangalagaan ang kanilang mayamang kultura at tradisyon.
Sa bawat paghahabi, kultura ay naipapasa; sa bawat likha, kabuhayan at kinabukasan ay nabubuo.