02/04/2026
Ka-Elyucano, alam mo bang meron tayong Anti-Disturbance on Maundy Thursday and Good Friday Ordinance of 2018?🤔
Panatilihin natin ang tahimik at mapayapang obserbasyon ng Huwebes at Biyernes Santo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bagay na ito. Iwasan natin ang pag-iingay dahil may karampatang parusa ito, Ka-Elyucano!
Pero syempre, exempted sa ordinansang ito ang mga relihiyosong aktibidad sa pagdiriwang ng Huwebes Santo at Biyernes Santo, kung saan maaaring gumamit ng mga device, gaya ng ngunit hindi limitado sa mga mikropono, megaphone, at sound system.