18/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐: ๐ท๐๐-๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐
Ipinagbibigay-alam po sa lahat ng pre-registered pet owners na ang ating Free Spay and Neuter para sa mga a*o at pusa ay i-re-schedule sa Setyembre 24, 2026 (Huwebes) upang matiyak ang kaligtasan ng lahat habang umiiral ang masamang panahon at habagat.
Bagamat safe at epektibo ang mismong pagpapakapon (spay/neuter) sa mga alaga kahit tag-ulan, mas mataas ang banta sa kanilang kalusugan kapag maulan at may habagat:
1. Mataas na Peligro ng Impeksyon: Ang baha, putik, at mataas na moisture ay mabilis magparami ng bacteria. Kapag nabasa o nadumihan ang tahi ng alaga, mataas ang posibilidad na magkaroon ito ng impeksyon.
2. Banta ng Respiratory Infection: Habang nag-re-recover mula sa anesthesia, panandaliang bumababa ang immune system ng alaga. Ang malamig at basang panahon ay pwedeng magdulot ng ubo at sipon.
3. Stress sa Biyahe: Ang pagbiyahe sa gitna ng ulan at baha ay nagdudulot ng matinding stress sa mga alaga na pwedeng makapagpabagal sa kanilang recovery.
Dahil dito, minabuti po natin na ilipat ang iskedyul sa Setyembre 24, 2026 (Huwebes) upang mas maging ligtas, tuyo, at maayos ang recovery ng ating mga fur babies.
Inaanyayahan ang lahat ng nakatala na mag-abang sa mga susunod na detalye ukol sa oras at eksaktong pasilidad para sa bagong iskedyul. Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na kooperasyon!
๐๐
๐
๐๐๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐