21/07/2025
BABALA:
UMAAPAW NA ANG TUBIG SA UPPER WAWA DAM SA BRGY. PINTONG BUKAWE...
Dahil sa patuloy at walang humpay na pagulan, umabot napo ang lebel ng tubig sa Upper Wawa Dam sa pinakamataas at ito sa ngayon ay umaapaw na..
Maraming mga kababayan natin mula sa mga bayan ng Rodriguez, San Mateo, Marikina, Cainta at Pasig ang maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig.
Panatilihin po ang pagiingat, magmonitor sa mga balita ukol sa sitwasyon ng tubig at laging maging handa sa anumang posibleng maging dulot nito na magdadala sa panganib para sa ating kabuhayan at buhay..
Magdasal po na sana ay hindi na magtuloy tuloy pa ang mga pagulan upang hindi na magdulot ng panganib para sa ating lahat..
Magingat po ang bawat isa...
゚
Salamat sa mga videos:
Trischan Ilig
Post credit :
Gerwin Garcia Angcaya