
23/07/2025
https://www.facebook.com/share/p/1aYRYaW53Y/
𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞𝐰𝐢𝐝𝐞 #𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟒–𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Mula sa Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, ipinapaabot sa publiko ang provincewide suspension ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan sa darating na Huwebes at Biyernes, Hulyo 24–25, bilang pag-iingat sa banta ng Bagyong Emong.
Kasama rin sa suspensiyon ang trabaho sa lahat ng opisina ng pamahalaan sa lalawigan sa parehong petsa. Hindi saklaw ng suspensiyon ang mga essential government workers gaya ng rescuers, medical teams, at emergency responders—kayo po ay patuloy na magtatrabaho para sa kaligtasan ng lahat.