20/05/2026
Puno ng saya, kwentuhan, at bagong karanasan ang SPC Lagos Adventour ng mga staff ng CARD RBI – Sta. Cruz at Siniloan noong Abril 25, 2026.
Nagsimula ang araw sa orientation sa CARD MRI Maharlika Square, kasunod ang pagbisita sa Mohicap Lake kung saan naranasan nila ang herbal at fishing demo habang ine-enjoy ang ganda ng paligid at mga bagong kaalaman.
Nagpatuloy ang tour sa Pandin Lake para sa masarap na tanghalian at tanawin ng Yambo Lake, na sinundan ng masayang art activity sa Sampaloc Lake. Bago umuwi, dumaan ang grupo sa Head Office ng CARD MRI para sa snacks, dala ang mga ngiti at magagandang alaala ng isang araw ng bonding at adventure.