03/07/2024
BAKIT NGA BA ISINAILALIM SA PREVENTIVE SUSPENSION SI KAPITAN SAMMY RIVERA?
Si Kapitan Sammy Rivera ay isinailalim sa preventive suspension dahil sa mga reklamo at insidente na nagdulot ng paglabag sa kanilang tungkulin.
Inireklamo si Kapitan Sammy Rivera ng limang kagawad mula sa Sangguniang Barangay dahil sa kanyang pagwawala at kawalang-respeto sa kanilang barangay session noong May 20, 2024.
Ayon sa mga kagawad, naghamon ng barilian at nagbanta ng pananakot si Kapitan Rivera sa kanila, kaya't nagsampa sila ng kasong severe misconduct at grave threats laban sa kanya. Mariing itinanggi ni Kapitan Rivera ang mga paratang na ito, at hindi rin ito isinama sa Minutes ng nasabing session.
Dahil dito, hindi naaprubahan o sinang-ayunan ng majority ng Sangguniang Barangay ang Minutes ng session, na nagdulot ng kawalan ng integridad at posibilidad ng manipulasyon sa Minutes.
Noong June 3, 2024, pinilit ni Kapitan Rivera ang appointment ni Mr. Christian Bartolata bilang "Temporary Secretary to the Punong Barangay," kahit na walang pormal na posisyon tulad nito at hindi inaprubahan ng Sangguniang Barangay.
Ang naging kilos at pag-uugali ni Kapitan Rivera ay hindi akma para sa kanyang posisyon bilang Chief Executive sa Barangay Langgam.
Sa madaling salita, lumabag si Kapitan Rivera sa pamantayan ng pagiging tapat na halal ng Barangay Langgam.