04/08/2025
CULTURAL MAPPING TRAINING | DAY 1
August 04, 2025
Cultural Mapping, Isinasagawa sa Bayan ng San Teodoro.
Ngayong araw, Agosto 4, 2025, pormal nang sinimulan ang Cultural Mapping Training sa bayan ng San Teodoro sa MDRRMO Conference Hall.
Sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga, sinalubong ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng San Teodoro, sa pangunguna ni Mayor Karen Ponce-Miranda ang mga panauhing pandangal na magsisilbing resource speakers sa aktibidad. Kabilang sa mga panauhing tagapagsalita sina:
Comm. Arvin Manuel R. Villalon, Acting Deputy Director-General for Museums at Head ng Subcommission on the Arts ng NCCA
Professor Jose S. Soliman, Jr., Secretary ng National Committee on Music ng NCCA
Dr. Jerry L. Ceballos, Jr., Propesor mula sa College of Tourism and Hospitality ng Pangasinan State University (PSU)
Kasama rin sa mga panauhin ang mga kinatawan mula sa National University (NU) – Lipa na sina Dr. Noelah Mae Borbon, Dr. Marjeric Buenafe, Ms. Janice Fischer at Ms. Nina Rica Pesigan.
Ang nasabing programa ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaang bayan na kilalanin, itala, at pangalagaan ang mga pamanang kultural ng San Teodoro. Isang mahalagang hakbang ito tungo sa mas inklusibo, makabuluhan, at makasaysayang pag-unlad ng lokal na komunidad.
Tatagal ang Cultural mapping Training and Activity hanggang sa August 8, 2025.