18/09/2026
πππππ ππ πππππππππ πππππ πππππ ππππ πππππ πππππ
Mula sa mga makabuluhang programa, makukulay na aktibidad, hanggang sa mga pagkakataong nagbigay-daan para sa kabataan na matuto, makilahok, makapagpahayag, at maging bahagi ng pagbabago, ito ang naging kwento ng Buwan ng Kabataang Santa Maria 2026.
Maraming salamat po Mayor Omeng Ramos, Cong. Ador Pleyto, SK Federation Marco Trajano, Sangguniang Bayan, LYDC at SK Santa Maria, at sa lahat ng Kabataang nakilahok sa bawat programa na ating naisagawa.
Sa loob ng mahigit isang buwan, pinatunayan nating ang kabataan ay hindi lamang tagatanggap ng mga programa, sila mismo ay katuwang, kasama sa pagpaplano, at bahagi sa paghubog ng kinabukasan.
Dahil ang Kabataang Santa Maria, KASAMA sa mabuting pamamahala, KASAMA sa pagpapaunlad sa Bayan, at KASAMA sa pagsisiguro ng mapayapa at ligtas na pamayanan.
Mabuhay ang Kabataang Pilipino!