23/09/2026
Mga tanda na pang malaliman ang pagmamahal sa iyo ng isang tao:
1. Itatangi ka niya kaya pakakasalan ka niya sa harap ng Simbahan, upang ihingi ng permiso at basbas mula sa Diyos ang magiging panghabang-buhay na pagsasama niyo.
2. Hindi ka kakabitin lang, dahil ang 'kabit' ay walang dignidad, at ito ay labag sa kalooban ng Diyos sa kahit anupamang kadahilanan, liban na lamang kung aayunan ng Banal na Simbahan ang annulment kung may una siyang napakasalan. Batid niyang kababuyan ang makisawsaw sa asawa na ng iba.
3. Hindi ka niya sasaktan, kahit pa malaman niyang sa gitna ng relasyon niyo ay may ginawa kang panloloko o kataksilan, dahil sa taong TUNAY ang pagmamahal, maaari siyang masaktan, ngunit ang gumanti, manakit, o mamahiya ay di niya gagawin, ni pagpaplanuhan.
4. Kung natuyo na ang pagmamahal dala ng kawalang-galang, mananatili ang kanyang paggalang at katapatan hanggang sa dulo ng kanilang nasimulan, at di siya gagawa ng anumang pagtataksil hanggang sa bago nila dalhin ang kanilang relasyon sa pinag-ayunan nilang dalawa na katapusan.
5. Hindi niya sisirain ang gabi mo kahit pa anong inis at galit niya, kung alam niyang ikapupuyat mo ito at ikasisira ng araw mo bukas. Mas pagtutuunan niya ng pansin na alalahanin ka at ang kapakanan mo hanggang para sa bukas ng umaga, kesa sa inis niya ngayong gabi.
7. Gagawan niya ng paraan na makihati sa pag-iipon para makamtan mo ang kailangan mo, kahit pa sa gitna ng kanyang sariling kagipitan, at di kung kailan lang ang buhay niya ay maalwan.
8. Igagalang at mamahalin niya ang buong pamilya mo, lalung-lalo na ang iyong mga magulang, kahit pa baluktot ang mga paniniwala nito, maging ng mga asawa at anak ng mga kapatid niya. Iiwasan niyang magkaroon ng di pagkakaunawaan sa sinuman sa pamilya dahil para sa kanya, ang pamilya ay SAGRADO.
9. Kasabay mo siyang mananalangin. Ang Diyos ang inyong SANDIGAN at ang inyong unang prayoridad, higit sa sinuman o anupaman.
10. Hindi ka niya hahayaang mapahamak, masaktan, o malagay sa kahihiyan sa anupamang paraan. Ika'y iingatan niya hanggang kamatayan.
11. Hahawakan ka niya nang buong higpit kahit pa sa gitna ng mga mayayaman niyang kamag-anak, katrabaho, at kaibigan, habang ika'y sadsad pa sa pananalapi at luno na ang pitaka at bulsa sa utang at mga kailangan pang bayaran.
12. Mananatili siyang tapat, nasa tabi ka man niya o hindi. Hindi niya kakikiligan ang papuri ng ibang kalalakihan. Busilak ang kanyang kalooban, at ang magtaksil ay di magiging bahagi ng kanyang mga plano pagka't ito'y kanyang kinasusuklaman.
Kung ang pag-ibig na iniaaalay ay di lang rin ganyan, para ano pa na siya'y pakikisamahan at pakakasalan. Dahil ang asawa ay maaaring maging pang habambuhay na sumpa o biyaya, depende sa liwanag ng kinang ng iyong pagpapasya.
- rrm