14/11/2025
STEP-BY-STEP AIRPORT PROCESS BAGO SUMAKAY NG EROPLANO
Para sa mga first time flyer, lalo na sa mga paalis bilang OFW o seafarer, eto ang step-by-step guide para hindi ka kabahan o malito sa airport. ✈️
🧳 1. Arrival sa Airport (3–4 hours bago ang flight)
✅ Dumating ng maaga — lalo na kung international flight.
👉 Check mo agad ang flight number at airline counter sa monitor.
👉 Huwag kalimutan: passport, ticket, ID, at documents mo sa isang folder.
🧰 2. Check-in Counter
Dito ka magbibigay ng passport at ticket.
✈️ Staff will:
• Weigh your check-in baggage (max weight depende sa airline)
• Issue your boarding pass
• Put baggage tags sa mga maleta mo
💡 Tip: Lagyan ng name tag ang bawat bag mo!
🔍 3. Immigration Departure Area (International Flight)
Ihanda ang:
• Passport
• Boarding pass
• Seaman’s book / contract (kung seafarer ka)
• OEC or E-receipt (for OFWs)
👮♂️ Immigration Officer will ask questions like:
• “Where are you going?”
• “What’s your purpose of travel?”
• “How long will you stay?”
👉 Sagutin ng diretso at maayos.
💼 4. Security Checkpoint
Dito mo ilalagay sa scanner ang:
• Hand-carry baggage
• Electronics (laptop, phone)
• Jacket or belt (minsan pinapatanggal)
🚫 Bawal: liquids more than 100ml, sharp objects, lighter, etc.
☕ 5. Boarding Gate Area
✅ Hanapin sa boarding pass ang gate number mo (e.g. Gate 112).
✅ Pwede ka nang mag-relax, mag-charge, or kumain habang naghihintay.
🎧 Makinig sa boarding announcements — kapag tinawag ang flight mo, pumila agad.
🛩️ 6. Boarding the Plane
Ihanda ulit ang passport at boarding pass.
Sundin ang crew kung saan upuan mo (based on seat number).
🚫 Ilagay ang hand-carry sa overhead bin, seatbelt on, at phone sa airplane mode.
🌍 Bonus Tips (lalo na sa OFWs at Seafarers):
• I-ready ang documents mo in one envelope (contract, training certs, OEC).
• Magdala ng ballpen — laging may forms sa immigration.
• Stay calm and respectful sa mga airport staff