
12/08/2025
Sa pagtatapos ng makulay at makahulugang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Linggo ng Kabataan, ating ginunita at pinarangalan ang yaman ng ating wika, sining, at kultura, gayundin ang walang kapantay na sigla at talino ng kabataang Pilipino.
Sa loob ng mga araw ng selebrasyon, naging saksi tayo sa samu’t saring pagtatanghal, paligsahan, at gawain na hindi lamang nagbigay-aliw, kundi nagpaigting din ng ating pagmamahal sa sariling atin. Mula sa masining na sayaw at awit, hanggang sa mainit na sports at malikhaing pagtatanghal, tunay na ipinamalas ng ating mga kababayan na buhay na buhay ang diwa ng pagiging Pilipino.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng lumahok, nakisaya, at nagbahagi ng kanilang talento at panahon upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang kahalagahan ng ating wika at kultura sa bawat araw, at maging inspirasyon sa ating kabataan na itaguyod at ipagmalaki ang kanilang pinagmulan.
Photos by: Tabukero Photography