22/05/2026
Bilang karagdagang suporta sa kinahaharap na krisis, nakatanggap ang 3,415 magsasaka mula sa Sorsogon City ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program.
Ang mga benepisyaryo ay nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), partikular ang mga magsasakang may sinasakang dalawang ektarya pababa.
Patuloy na binibigyang prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Sorsogon City ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng programang Tanging Yaman, bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain at pag-unlad ng lungsod.
Nagpaabot din ng suporta sa ating mga magsasaka si Dete Escudero kasama ang mga opisyal ng lungsod sa isinagawang pamamahagi ng ayuda.
Mabuhay ang mga magsasaka!